Academia.eduAcademia.edu
Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019 Mark Joseph P. SANTOS1 Manila Theological College Manila, Philippines ABSTRAK Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin ang kasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasan ni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sa pagpasok ni Salazar sa Unibersidad ng Pilipinas (PP) bilang magaaral ng kasaysayan (1951) hanggang sa pagkakalimbag ng kanyang Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino (1970), maaari itong bansagan bilang “Yugtong Pre-Pantayo”; 2. Panahon ng Pag-uugat ng PP sa UP mula sa pagkakalimbag ng artikulo ukol sa wikang Filipino (1970) hanggang sa pagdaraos ng Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino, kaalinsabay ng paghirang sa kanya bilang dekano ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya at pagdaraos ng (1989), 3. Panahon ng Pagsibol ng PP sa UP na tumutukoy sa institusyunalisasyon nito sa UP Departamento ng Kasaysayan mula sa kumperensyang ito (1989) hanggang sa pagkakalimbag ng Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan (1997), 4. Panahon ng 1 Si Mark Joseph P. Santos ay nagtapos ng Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan, cum laude (2015) at Postbaccalaureate in Teacher Education (2017), kapwa mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang Master of Divinity sa Manila Theological College. Siya ay may-akda at patnugot ng sumusunod na mga artikulo at aklat: “Ang Retorika ng Rehimeng Duterte at Ang Kulturang Pilipino: Isang Kasong Pag-aaral sa Pagbabanggaan ng Kultura at Burukrasya,” Historical Bulletin 51 (2017); “Kulturang Materyal bilang Batis at Larangan ng Kasaysayan,” E-Saliksik Journal 7:3 (Nobyembre 2018); Martes sa Escaler. Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (2019); at Martes sa Escaler II: Talakayan ng mga Mag-aaral ng P.U.P. Pilosopiya ng Kasaysayan. Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (2019). Nagbasa siya ng papel ukol sa ambag ni Zeus Salazar sa Araling Timog Silangang Asya sa isang internasyunal na kumperensya na ginanap sa University of Lisbon, Portugal noong Disyembre 2018. Ang abstrak ng pag-aaral na ito na “Southeast Asian Studies and the Nationalist Tradition: Evaluating the Historiographical Contribution of Zeus A. Salazar in Building Pan-Malayan Identity” ay nailathala sa Regional Journal of Southeast Asian Studies 4:1 (January 2019). 47 SANTOS Pagyabong ng PP sa labas ng UP mula sa pagkakalimbag ng aklat (1997) hanggang sa paglulunsad ng Saliksik E-Journal (2012), at 5. Panahon ng Pamumunga mula sa paglulunsad ng Saliksik E-Journal (2012) hanggang sa pagtatapos ng pagtuturo ni Salazar sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (2019). Mga Susing Salita: Pantayong Pananaw, Zeus Salazar, Bagong Kasaysayan, Wikang Filipino PANIMULA umigit kumulang kalahating siglo na ang nakararaan mula nang magpasimula ang isa sa tatlong proyektong intelektuwal na umusbong sa Unibersidad ng Pilipinas noong dekada sitenta, na kolektibong tinatagurian bilang Agham Panlipunang Pilipino. Kahanay ng Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez at Pilipinolohiya ni Prospero Covar, nabuo ang Pantayong Pananaw (PP) ni Zeus Salazar na naglalayong pag-aralan ang pambansang kasaysayan ng Pilipinas sa wikang Filipino. Bagaman totoo na ang Pantayong Pananaw ay hindi limitado kay Zeus Salazar2 (dahil isa na itong malawak na proyektong patuloy na pinalalago ng dating mga mag-aaral ni Salazar), hindi naman ito maaaring ihiwalay sa kanya. Bilang kathang-buhay ni Salazar, kung saan inialay niya ang kanyang buong buhay-akademiko bilang historyador-antropolohista, anumang pagsasakasaysayan sa PP na hindi isinasaalang-alang ang ambag ni Salazar ay hindi magiging mabunga. Sa ganitong reyalisasyon nakabatay ang rasyunal na desisyong baybayin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar. Ipinapanukala ng kasalukuyang sanaysay ang limang yugtong piryodisasyon ng pag-unlad ng PP bilang isang proyektong intelektuwal, tulad ng paglago ng isang halaman. H Ang unang yugto, na maaaring bansagan bilang “Panahon ng Pagpupunla,” ay mula sa pagpasok ni Salazar bilang mag-aaral ng kasaysayan sa UP noong 1951 hanggang sa publikasyon ng kauna-unahan niyang artikulo na nagbibigay distinksyon sa pagitan ng “kami” at “tayo” noong 1970, ang sanaysay na Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino. Ang panahong ito ay “Yugtong Pre-Pantayo,” sapagkat ang sinasaysay dito ay ang pagpapakadalubhasa ni Salazar sa UP at matapos nito ay sa Paris, mga karanasang humubog sa kaisipan ng magiging Ama ng Pantayong Pananaw sa hinaharap. Ramon Guillermo, “Exposition, Critique and New Directions for Pantayong Pananaw,” Kyoto Review of Southeast Asia 3 (March 2003). 2 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 48 Ang ikalawang yugto, “Panahon ng Pag-uugat,” ay mula sa pagkakalathala ng Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino noong 1970 hanggang sa makasaysayang Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino na naganap noong 1989. Kaalinsabay nito ang pagkakaluklok kay Salazar bilang dekano ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ng UP. Ito ay panahon ng pag-uugat ng PP sa UP, kung kailan lilitaw ang maiiksing pagpapaliwanag ni Salazar ukol sa PP. Ang ikatlong yugto, “Panahon ng Pagsibol,” na tumutukoy sa institusyunalisasyon ng PP sa UP mula sa pagdaraos ng makasaysayang kumperensya noong 1989 hanggang sa publikasyon ng Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan noong 1997, ang kauna-unahang koleksyon ng mga sopistikadong sanaysay ni Salazar ukol sa PP, lalo na ang Pantayong Pananaw bilang Diskursong Pangkabihasnan. Ito ang panahon ng pagiging dominante ng PP bilang pananaw pangkasaysayan sa UP Departamento ng Kasaysayan. Masasaksihan ng ikaapat na yugto, mula sa pagkakalathala ng naturang aklat noong 1997 hanggang sa paglulunsad ng E-Saliksik Journal noong 2012, ang unti-unting paghina ng PP sa UP at ang paglaganap naman nito sa labas ng pamantasan. Maaaring ituring ang yugtong ito na “Panahon ng Pagyabong.” Dulot ng iba’t ibang salik (tulad ng pagreretiro ni Salazar sa UP, pagkalas sa PP ng ilan niyang dating estudyante, at pagkakatanggal ng mga nakababatang kaguruan ng Departamento ng Kasaysayan na nagsusulong ng PP), gradwal na natanggal ang pagkakaugat ng PP sa UP Departamento ng Kasaysayan. Nagdulot naman ito ng pagkalat ng mga kaisipan ng PP sa iba’t ibang institusyon kung saan napadpad ang mga nakababatang tagapagsulong nito. Sa panahong ito pinakalumago ang PP sa usapin ng publikasyon. Ang huling yugto ay ang “Panahon ng Pamumunga.” Magsisimula ito sa paglulunsad ng E-Saliksik Journal noong 2012 at magtatapos sa pagtuturo ni Salazar sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) nitong 2019. Makakarakterisa ang panahong ito ng patuloy na paglago ng PP gamit ang mga instrumentong didyital bilang tagapagdaloy ng mga kaisipan nito. Isa ring tema sa panahong ito ang pagtingkad ng ugnayan ni Salazar sa PUP na hahantong sa dalawang semestre niya rito at magbubunga ng walong aklat na mailalathala ng Bagong Kasaysayan (BAKAS). Matapos ang payak na pagsasakasaysayang ito ay naglagay din ng maikling talakayan ukol sa mga kritika na tinanggap ng PP sa daloy ng paglago nito Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 49 SANTOS bilang isang proyektong intelektuwal na nagsusulong ng talastasang bayan sa wikang Filipino. PANAHON NG PAGPUPUNLA (YUGTONG PRE-PANTAYO): MULA SA PAG-AARAL SA UP HANGGANG SA PUBLIKASYON NG “ANG PAGTUTURO NG KASAYSAYAN SA PILIPINO” (1951-1970) Panganay sa pitong magkakapatid, si Zeus Atayza Salazar ay ipinanganak kina Luz Atayza-Salazar at Ireneo Salazar (na kauna-unahang abogado sa kanilang bayan) sa Tiwi, Albay noong ika-29 ng Abril 1934. Lumuwas si Salazar sa Maynila upang mag-aral ng primaryang edukasyon sa San Beda College, kung saan siya nagtapos bilang balediktoryan noong 1947. Matapos nito ay umuwi siya sa kanyang bayan at pumasok sa Albay High School, na kalaunan ay naging Bicol State University. Muli siyang nagtungo sa Kamaynilaan upang mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1951. Nais ng kanyang ama na sumunod siya sa yapak nito bilang abogado, ngunit mas pinili niya na kumuha ng programang Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan, na kanyang nakamit noong 1955 bilang kauna-unahang summa cum laude ng programa sa pamantasan.3 Nagturo si Salazar bilang katuwang na instruktor sa Departamento ng Kasaysayan sa loob ng isang taon bago siya tumungo sa Europa upang simulan ang kanyang gradwadong pag-aaral. Mula 1958 hanggang 1965 ay kumuha siya ng iba’t ibang akademikong diploma at lisensya sa Ecole Nationale des Langues Orientales Vivantes, Sorbonne Universite de Paris, at Musee de l’Homme tulad ng Wika at Sibilisasyong Pranses (1958), Wika at Sibilisasyong Malay-Indones (1962), Wika at Sibilisasyong Ruso (1962), Pangkalahatang Lingguwistika, Kasaysayan ng Relihiyon, at Prehistorikong Arkeolohiya (1963), at Kultural na Antropolohiya ng Oceania (1965). Ang kulminasyon ng kanyang akademikong pagsasanay sa Paris ay ang paggawad sa kanya ng Doktorado sa Etnolohiya sa Sorbonne Universite de Paris noong 1968.4 Sa panahong ito, napasailalim siya sa gabay ng kanyang doktoradong tagapayo na si Roger Paglilinaw ni Salazar, sa kanilang Departamento, nauna sa kanya sa pagiging summa cum laude ang kanyang mentor na si Guadalupe Fores-Ganzon. Ngunit ang digri nito ay Bachelor of Science in Education major in History na ang naggawad ay ang UP Kolehiyo ng Edukasyon. Si Salazar ang unang summa cum laude sa programang Bachelor of Arts in History ng UP Departamento ng Kasaysayan. 4 Personal na pasasalamat kay Dr. Carmen Peñalosa para sa pagbibigay sa akin ng kopya ng 67-pahinang curriculum vitae ni Salazar. 3 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 50 SANTOS Bastid, isang sosyolohista-antropolohistang Pranses na eksperto sa mga AproAmerikanong katutubong relihiyon sa Brazil.5 Ang kanyang disertasyon ay may pamagat na Le concept AC+ ‘anitu’ dans le monde austronesien: vers l’etude comparative des religions ethnique austronesiennes6 (Ang AC+ ‘Anitu’ sa Mundong Austronesyano: Tungo sa Kumparatibong Pag-aaral ng mga Etnikong Relihiyong Austronesyano). Naglalayon ang kanyang disertasyon na unawain ang relihiyong Austronesyano mula sa emiko o panloob na perspektiba, gamit ang sentral na konsepto ng anito na laganap sa buong mundong Austronesyano. Ito ay upang kumawala sa etiko o panlabas na perspektiba ng ilang Europeong pantas na madalas na minamaliit ang mga katutubong relihiyon sa mundong Austronesyano. Ang kanilang mapangmatang pagsusuri sa mga ito bilang “animistiko” ay dulot ng kanilang pagkukumpara sa mga ito sa mga “modernong relihiyon” na monoteistiko ng Kanlurang Asya tulad ng Judaismo, Kristiyanismo, at Islam, sa halip na unawain ang mga ito gamit ang mga panloob na dalumat na nagmumula mismo sa kalinangang Austronesyano. Ang ganitong Euro-sentrikong pagaaral sa mga katutubong relihiyon ng Asya ay matagal nang suliranin sa akademya. Mainam na sipiin ang pahayag ng sosyolohistang si Syed Alatas ukol dito: There is something of a cultural divide in the social sciences that can be seen in the very concepts employed by the various disciplines. The nature of this cultural divide is as follows. Many concepts in the social sciences originated from a Greco-Roman, Latin-Christian and European tradition, which in itself does not pose a problem if these concepts evolve to become universal or plural. The problem, however, is that most of the concepts are passed off as universal when in fact they derive their characteristics from a particular cultural tradition. Tingnan ang Roger Bastide, The African Religions of Brazil: Toward a Sociology of the Interpenetration of Civilizations (Maryland: John Hopkins University Press, 1978). 6 Zeus Salazar, Le concept AC+ ‘anitu’ dans le monde austronesien: vers l’etude comparative des religions ethnique austronesiennes (Disertasyon: Universite de Paris, 1968). Ang pinaikling bersyon nito ay matatagpuan sa kanyang sanaysay na “Pelerinage aux Sources: la Religion des Austronesiens” (Pagbabalik-loob: Ang Relihiyon ng mga Austronesyano) na nasa Zeus Salazar, Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1998). Ang buod ng sanaysay nito sa wikang Filipino ay isinulat ni Gerry Se, na matatagpuan sa apendise ng aklat. 5 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 51 SANTOS This wreaks havoc on our understanding of social phenomenon as can be illustrated by referring to the example of the concept of religion. While ‘religion’ is presented as a universal concept, the understanding of what makes up religion in phenomenological, historical and sociological terms is often derived from Christianity, in what Joachim Matthes (2000) while referring to Islam, calls the “hidden” cultural Christianisation” of the Muslim world since it started to think of Islam as a ‘religion’. This raises the interesting question of the extent to which ‘religions’ such as Buddhism, Hinduism and Islam have been intellectually reconstructed after the image of Christianity to the very concepts employed by the disciplines that study religions such as, ‘church’, ‘sect’, ‘denomination’, ‘secularization’, and ‘religion’ itself…7 Ang ganitong akademikong tendensya ang pinilit igpawan ni Salazar sa kanyang disertasyon. Kapansin-pansin na ang panimulang pagpupunla ng mga batayang kaisipan ng Pantayong Pananaw sa disertasyon na ito, na mas mapapayabong niya kalaunan sa kanyang mga lathalain pagbalik sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kasamaang palad, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naililimbag sa Pilipinas ang disertasyon na ito sapagkat nakasulat sa wikang Pranses. Hindi na rin pinagtuunan pa ng pansin ni Salazar ang pagsasalin nito sa Filipino yamang marami sa mga ideyang nilalaman nito ay naisulat at mas nabigyang eksposisyon na niya sa mga sumunod niyang mga akda. Gayunman, hindi maiwasan ang ispekulasyon na mas naging mabilis at malaganap sana ang resepsyon ng iskolarsyip ni Salazar sa Pilipinas, lalo sa larangan ng antropolohiya, kung nailimbag agad ito noong dekada sitenta. Sa malawak na impluwensya ng multi-disiplinaryong kasanayang tinamo niya sa Europa sa kanyang pag-iisip, hindi kalabisang ipagpalagay na hindi ipapanganak ang PP (na may multi-disiplinaryong lapit sa kasaysayan) kung hindi niya kinuha ang kanyang mga gradwadong pag-aaral sa Paris. 7 Syed Farid Alatas, Alternative Discourses in Asian Social Science: Responses to Eurocentrism (India: Sage Publications Pvt Ltd, 2006), pah. 15-16, sinipi sa Clemen Aquino, “Panlipunang Pagbabanghay: Piling Usapin sa Pag-unawa sa Sariling Lipunan,” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino 19:2 (2013), pah. 141. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 52 Mabibigyang ilustrasyon ang puntong ito kung titingnan ang implikasyon ng tatlong pantulong na disiplina sa uri ng naiibang pagtanaw ni Salazar sa historiograpiya: 1.   Antropolohiya – Ang kasanayang antropolohikal ni Salazar ang nagdulot sa kanya ng tendensya na bigyan ng primaryang diin ang panloob na pagsusuri sa isang kabihasnan. Kinakategorya ng mga antropolohista ang metodo ng pag-aaral sa isang kultura sa dalawang lapit: etikong lapit at emikong lapit. Ang etikong lapit ay tumutukoy sa pag-aaral sa isang kultura gamit ang panlabas na mga kategoryang tangan-tangan ng antropolohistang nagsasagawa ng obserbasyon. Sa kabilang banda, ang emikong lapit naman ay tumutukoy sa pag-aaral sa isang kultura gamit ang panloob na mga kategoryang nagmumula mismo sa kulturang sinusuri. Noong nag-aaral si Salazar sa Paris, ang mas binibigyang pabor na pananaw sa antropolohiya ay ang emikong lapit. Nakaugalian din ng mga propesor sa Europa na himukin ang kanilang mga estudyanteng magsulat ng tesis o disertasyon ukol sa komunidad o kabihasnang kanilang pinanggalingan. Liban sa mayroong likas na simpatya ang estudyante sa kanyang pinag-aaralan dahil doon siya nagmula, may bentahe na rin siya sa pagsusuri sapagkat pamilyar siya sa mga konseptong naroon bilang tagaloob. Malaki ang naging epekto nito sa pagtingin ni Salazar sa pag-aaral ng kultura. Kalaunan, ang kanyang emikong kasanayan sa Paris ay lilitaw nang tuloy-tuloy sa kanyang mga publikasyon at magiging kapansin-pansin sa walang maliw niyang pagbibigay prayoridad sa mga dalumat na nagmumula sa “loob.” 2.   Arkeolohiya – Liban sa pagiging historyador at antropolohista, sa kasanayan ay isa ring arkeolohista si Salazar. Sa partikular, dalawang aklat ang naisulat niya na ukol sa arkeolohiya.8 Bilang tugon sa isang lekturang propesoryal ni Salazar noong Marso 2019, ipinahayag ni Grace Barretto-Tesoro na ang disertasyong sinulat niya sa Unibersidad ng Cambridge ay nakabatay sa arkeolohikal na balangkas ni Salazar.9 Zeus Salazar at Carmen Peñalosa, mga pat., Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (Lunsod Quezon at Laguna: Bagong Kasaysayan at Pila Historical Society Foundation Inc., 2013) at Zeus Salazar, Liktao at Epiko: Ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan, Camarines Sur (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2004). 9 Ang lekturang propesoryal na ito na naganap noong ika-18 ng Marso 2019 sa Bulwagang Bonifacio ng PUP Sta. Mesa ay ang naging batayan ng bagong aklat ni Salazar sa arkeolohiya na kasalukuyang inihahanda: Preliminaryong Pagsusuri sa Representasyon/Pag-aanyo ng Tatlong Liktao sa Butuan Heritage Museum, Lungsod Antipolo (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 8 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 53 Masasabing ang arkeolohikal na kasanayan ni Salazar ang dahilan kung bakit para sa kanya, mayroon nang napakahabang kasaysayan ang Pilipinas bago pa man ang 1521. Kaiba ng mas naunang mga historyador na may positibistang tendensya tulad nina Zaide, Agoncillo, at Constantino na mayroong napakanipis na mga pagtalakay sa kasaysayan ng bansa bago ang 1521, maraming aklat si Salazar na ang tuon ay ang panahong ito. Sila Zaide, Agoncillo, Constantino at iba pang naunang henerasyon ng mga historyador ay bunga ng isang panahon kung kailan positibismo ang nangingibabaw na metodo sa pag-aaral ng kasaysayan. Para sa kanila, dokumento lamang ang maaaring gamitin ng historyador. “Kung walang dokumento, walang kasaysayan!” Ito ang dahilan kung bakit manipis ang talakayan ng mga naunang historyador sa panahon bago ang 1521. Kung kakaunti ang mga dokumentong naisulat ukol sa kasaysayan ng Pilipinas bago ang 1521, paano nga naman pag-aaralan ang panahong ito? Ngunit para kay Salazar, hindi maaaring pabayaan ang pag-aaral ng panahong ito sapagkat naniniwala siyang mas mahalaga ang napakahabang yugtong ito kaysa sa apat na siglong kolonisasyon ng mga banyaga, na kung ikukumpara sa una ay napakaikli lamang. Iginigiit din niya na ang kalinangan at pagkakakilanlang Pilipino ay mas nahubog sa loob ng mahabang panahong ito. Ang preokupasyon niya sa mga Austronesyano at paguugnay nito sa kasalukuyang kalinangan at kamalayang Pilipino ay matibay na patunay ng ganitong paninindigan ni Salazar. Kahit kaunti lamang ang dokumento, posibleng pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas bago ang 1521 gamit ang mga artipakto. Ang ganitong pananaw niya sa kasaysayan ng Pilipinas ay dulot ng pormal na arkeolohikal na kasanayang nasagap niya (sa pamamagitan ng lisensya sa arkeolohiya) sa Sorbonne Universite de Paris noong 1963. 3.   Lingguwistika – Malaki rin ang epekto ng pag-aaral ni Salazar ng iba’t ibang wika sa pagbubuo niya kalaunan ng mga batayang konsepto ng PP. Tulad ng nabanggit na sa itaas, liban sa pangkalahatang lingguwistika, nagsanay din si Salazar ng mga wika at kalinangang Pranses, Ruso at Malayo-Indones. Kung papansinin ang katawagan sa mga diploma at lisensya sa wika na kinuha ni Salazar, laging magkasamang pinag-aaralan ang wika at kalinangan. Ito ang nagmulat kay Salazar sa reyalisasyon na hindi maaaring pag-aralan ang wika at kalinangan nang magkahiwalay. Kung magkasamang sinusuri ang wika papalabas). Ang nagsilbing mga reaktor sa kanyang lekturang ito ay apat na arkeolohista: Andrea Malaya Ragrario, Grace Barretto-Tesoro, Joan Tara Reyes-Hernandez, at Timothy James Vitales. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 54 SANTOS at kalinangang Pranses, Ruso, at Malayo-Indones, hindi ba nararapat lamang din na pag-aralan ang wika at kalinangang Filipino nang magkasama? Ito rin marahil ang dahilan kung bakit mapapansin ng lahat ng bumabasa kay Salazar na sa kanyang mga aklat, madalas niyang binabanggit bilang iisang termino ang “wika-at-kalinangan” (hal. wika-at-kalinangang Filipino vis-à-vis lengguwahe-at-kulturang Espanyol). Dahil sa ganito niyang kasanayan sa Paris, kalaunan, sa pormulasyon ng PP, isa sa lilitaw na pinaka matingkad na tema ay ang mahigpit na pagkakaugnay ng wika at kalinangang Filipino. Magdudulot din ito ng paninindigan ni Salazar na marapat lamang na pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas sa wikang Filipino. Liban dito, isa pang epekto kay Salazar ng lingguwistikong kasanayan niya sa Paris ay ang paggamit niya ng historikal na lingguwistika sa pag-aaral ng kasaysayan at kalinangang Pilipino. Mababanaag ang pasinasyon ni Salazar (at maging ng mga sumunod na henerasyon ng mga nagpaPantayong Pananaw) sa pagsusuri ng etimolohiya ng iba’t ibang terminong Filipino. Pinaka litaw ang ganitong metodo ni Salazar sa kanyang Ang Pilipinong Banua sa Mundong Melano-Polynesiano10 at Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon.11 Samakatuwid, lahat ng ito (epekto ng antropolohiya sa panloob na perspektiba ni Salazar, epekto ng arkeolohiya sa malalim na paglublob niya sa panahong prehistoriko ng bansa, at epekto ng lingguwistika sa kanyang diin sa wikang Filipino) ay nagpapakita ng malawak na implikasyon ng pag-aaral ni Salazar sa Paris sa naging hulma at direksyon ng Pantayong Pananaw bilang pananaw pangkasaysayan sa Pilipinas. PANAHON NG PAG-UUGAT: MULA SA PUBLIKASYON NG “ANG PAGTUTURO NG KASAYSAYAN SA PILIPINO” HANGGANG SA UNANG PAMBANSANG KUMPERENSYA SA HISTORIOGRAPIYANG PILIPINO (1970-1989) Makaraan ang labingdalawang taong pananatili sa Pransya na nagwakas sa kanyang pagkamit ng doktorado sa etnolohiya noong 1968, bumalik siya sa Pilipinas upang simulang magturo sa Departamento ng Kasaysayan ng 10 Zeus Salazar, Ang Pilipinong Banua/Banwa sa Mundong Melano-Polynesiano (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2006). 11 Zeus Salazar, Wika ng Himagsikan Lengguwahe ng Rebolusyon (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999). Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 55 Unibersidad ng Pilipinas noong akademikong taong 1968-1969. Unang taon pa lamang niya sa UP ay sinimulan na niya ang pagtuturo ng kasaysayan sa wikang Filipino. Ang kauna-unahang nagtangka sa Departamento na magturo ng kasaysayan sa Filipino ay ang kanyang mentor na si Guadalupe ForesGanzon. Gayunman, hindi ito nagtagumpay sapagkat siya ang nag-iisang nagsagawa nito. Lahat ng kanyang mga kasabayan, kabilang na si Teodoro Agoncillo, ay nanatiling nasa wikang Ingles ang pagtuturo at pagsusulat. Sa kaso ni Salazar, nahikayat niya ang ilan niyang mga kasamahan sa Departamento na magturo sa wikang Filipino. Kaya naman 1968 ang maituturing na pagsisimula ng tradisyon ng pagtuturo ng kasaysayan sa wikang Filipino sa UP.12 Noong una ay nahirapan siya dulot na rin ng labingdalawang taong pagkakawalay niya sa wikang Filipino habang nasa Pransya. Ang kanya pa ngang mga estudyante ang tumulong sa kanya noong simula sa pamamagitan ng pagtatama ng kanyang Filipino. Mas nahikayat ni Salazar ang kanyang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na puntos bilang insentibo sa sinumang mag-aaral na sasagot sa mga pagsusulit at susulat ng mga sanaysay gamit ang wikang pambansa (bawal pa noon ang pagpapamandatoryo ng wikang Filipino sa klase). Taong 1970 ang itinuturing nina Navarro, Rodriguez-Tatel at Villan na panahon ng kapanganakan ng PP,13 sa pagkakalimbag sa isang dyornal ng sanaysay ni Salazar na Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Filipino.14 Bagaman 1983 pa unang lilitaw ang Pantayong Pananaw bilang termino sa UP,15 ang Zeus Salazar, pat., Ang P/Filipino sa Agham Panlipunan at Pilosopiya (Maynila: Kalikasan Press, 1991), 79. 13 Atoy M. Navarro, Mary Jane Rodriguez-Tatel at Vicente C. Villan, mga pat., “Pambungad ng mga Patnugot,” nasa Navarro, et al, mga patnugot, Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan. Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2015), pah. 1. 14 Zeus Salazar, “Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino,” 15 Personal na komunikasyon kay Prop. Atoy Navarro sa facebook messenger, Setyembre 17, 2019. Aniya, una itong magagamit sa klase ni Salazar sa historiograpiya. Ang unang bibliograpikal na talang naglalaman nito ay ang Alejandro Navarro, Wilfredo Sarino, Wilfredo Reyes, Daniel Agoncillo, Nelson Molina, Cristina Sionosa at Juan Miguel Padua, “Ang Pantayong Pananaw Noong 1983,” papel na inihanda para sa klase ng Kasaysayan 199, U.P. Diliman, 1983. Ang unang publikong lektura naman kung saan lumitaw ang PP ay ang Zeus Salazar, "Ang Pantayong Pananaw sa Kasaysayan at ang Kaugnayan nito sa Disiplina ng Sikolohiya." Isang publikong lekturang pinasinayahan ng Philippine Psychology Research and Training House (PPRTH), Setyembre 2, 1987. Ngunit ang unang pormal na pagkakagamit ng termino sa isang lathalain ay matatagpuan sa Zeus Salazar, “Paunang Salita,” nasa Nilo Ocampo, Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901 (Kolonya: Alemanya: Bahay Saliksikan ng Kasaysayan, 1985). 12 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 56 SANTOS sanaysay na ito ni Salazar ay naglalaman na ng mga batayang kaisipan ng PP tulad ng tunggalian sa pagitan ng “kulturang kolonyal” at “kalinangang Pilipino,” ang pag-iral ng pagkakaiba sa pagitan ng “pagkakami” at “pagkatayo” ng mga Filipino, ang pananaig ng Ingles na nagdudulot ng pagsasagilid sa bayang Filipino, at pangangailangan na ituro at isulat ang kasaysayan sa wikang Filipino. Ibig sabihin, sa pagkakataong ito magkakaroon ng unang pag-uugat ng kaisipan ng PP sa Departamento ng Kasaysayan sa UP. Simula sa panahong ito ay mas paiigtingin ni Salazar ang kanyang adbokasiya sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa disiplina ng kasaysayan. Isa sa mga paraan na ginamit niya para rito ay ang pagpapasulat ng mga katitikan (minutes of the meeting) ng lahat ng napag-usapan nila sa loob ng klase sa wikang Filipino.16 Ibinuhos niya rin ang kanyang atensyon sa pagsasalin ng iba’t ibang akda tungo sa wikang Filipino. Naniniwala siya na ang pagsasalin ay isang esensyal na hakbang tungo sa pagbubuo ng isang talastasang pambansa na may PP. Sa isang sanaysay noong 1974, ganito ang kanyang ipinahayag ukol sa gawain ng pagsasalin: Bawat nabubuhay na kabuuang kultural ay umaangkin ng galing sa iba at sa labas, batay sa sariling batas ng pagkakultura, upang umiral at huwag pumanaw at maangkin pa nga ng iba. Bilang isang organismong istoriko-kultural na may sariling kakanyahan, ang pamayanang Pilipino ay dapat na humango (at sumalok pa nga) sa buong daigdig, tumanggap ng pangkalinangang ambag at impluho mula sa alinmang panig, subalit ang lahat ng ito’y dapat ilagak sa sariling wika, sapagkat dala ng wika an gating kulturang kanya ring pinauunlad. Kaya kailangan ang pagsasalin sa Pilipino, isang gawaing lalo pang magkakamit ng ibayong lawak at kabuluhan sa tulin at ritmo ng ating pagiging buong pagkakultura-at-wika.17 Detalyadong inilahad ang ukol sa mga katitikan sa klase ni Salazar sa Mark Joseph P. Santos, “Panimula: Ang Guro sa Bahay Escaler,” nasa Santos at Axle Christien J. Tugano, mga pat., Martes sa Escaler (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2019). 17 Zeus Salazar, “Mula sa Patnugot,” nasa Salazar, pat., Ang Kasaysayan: Diwa at Lawak (Lunsod Quezon: Limbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1974), pah. ix-x. 16 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 57 Sa parehong aklat kung saan matatagpuan ang siping ito ay isinalin niya mula wikang Aleman tungo sa Filipino ang isang kabanata ng aklat ni Oswald Spengler na The Decline of the West.18 Sa mga sumunod na dekada ay magkakaroon pa siya ng ilan pang mga proyekto ng pagsasalin tulad ng “Ang Pagguho ng Troya”19 na pagsasa-Filipino ng akdang pangliteratura ni Walter Jens mula parin sa wikang Aleman. Mayroon din siyang isang buong aklat ng mga tula, na liban pa sa mga personal niyang katha ay naglalaman ng salin niya sa Filipino ng tula ng mga makatang Europeo.20 Ngunit ang pinaka mahalaga marahil na proyektong pagsasalin na nagawa ni Salazar ay ang pagsasa-Filipino niya ng Manifesto ng Partido Komunista21 nina Karl Marx at Friedrich Engels. Bukod sa salin, naglalaman ito ng mahahabang anotasyon at pangkalahatang tala na naglalahad ng posisyon ni Salazar at ng PP ukol sa Marxismo. Iginiit niya na hindi pa lubusang naaangkin ng Kapilipinuhan ang Marxismo, lalo pa dahil karamihan sa mga pangunahing teksto nito (gayundin ang pagdidiskurso ukol dito ng mga lider at intelektuwal ng partido) ay nasa wikang banyaga parin. Ani nga ni Ramon Guillermo sa isang panayam niya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, “isinalin ni Salazar ang Manifesto ng Partido Komunista para maipakita na hindi ito maisasalin.”22 Ngunit lahat ng ito ay nasa hinaharap pa. Balik sa dekada sitenta, isang taon bago ang Batas Militar, lumahok noong 1971 si Salazar sa protesta ng mga kaguruan at mga mag-aaral ng UP na tinaguriang Diliman Commune. Ipinagutos ni Marcos ang pagdakip sa mga nakilahok dito. Isa na rito si Salazar na inaresto at ipiniit mula 1971 hanggang 1973.23 Nakalaya lamang siya dahil sa pakiusap ng kanyang kaibigang si Leticia Ramos-Shahani, kapatid ng dating Pangulong Fidel Ramos. Pagsapit ng 1974, nasangkot si Salazar sa proyektong multi-tomong kasaysayan ng Pilipinas na ipinakomisyon ni Oswald Spengler, The Decline of the West (Munich: C.H. Beck’sche Verlagsbuchhandlung, 1922). 19 Walter Jens, Pagguho ng Troya, salin ni Zeus Salazar (Maynila: Kalikasan Press, 1989). 20 Zeus Salazar, Mga Tula ng Pag-iral at Pakikibaka (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2001). 21 Karl Marx at Friedrich Engels, Manifesto ng Partido Komunista ng Pilipinas, salin ni Zeus Salazar (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2000). 22 Ramon Guillermo, “Ang mga Komento ni Karl Marx Hinggil kay James Mill: Pagsasalin at Pagpapakahulugan,” panayam na inorganisa ng PUP Center for Language and Literature Studies, ginanap sa Bonifacio Hall, NALLRC, PUP Sta. Mesa noong ika 23 ng Marso 2018. Ang pormal na tugon ni Guillermo sa salin ni Salazar ng Manifesto ng Partida Komunista ay Ramon Guillermo, “Notes on Zeus Salazar’s Filipino Translation of The Communist Manifesto,” nasa Teresa S. Encarnacion Tadem at Laura L. Samson, mga pat., Marxism in the Philippines: Continuing Engagements (Mandaluyong: Anvil Publishing Inc., 2010). 23 Portia L. Reyes, “Celebrating Zeus Salazar,” nasa Reyes, pat., Towards a Filipino History: A Festschrift for Zeus Salazar (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2015), pah. 4. 18 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 58 SANTOS Marcos, ang Tadhana: The History of the Filipino People. Karamihan sa bumubuo sa pangkat ng mga iskolar na lumahok sa proyektong ito ay mula sa UP tulad nina Alejandrino Hufana, Cesar Hidalgo, at Samuel Tan. Si Salazar ang naghanda ng pangkabuuang balangkas ng pinaplano sanang 21-tomong serye. Gayunpaman, hindi ito natupad at apat na tomo lamang ang naisagawa ng grupo. Ang pansamantalang partisipasyon ni Salazar sa proyektong ito ay magdadala ng permanenteng bahid sa kanyang reputasyon, na magiging dahilan din ng pagbabansag sa kanya ng ilang iskolar tulad ni Patricio Abinales na “tutang istoryador ng diktador.”24 Gayunpaman, sa ganang kay Salazar, ang dahilan kung bakit siya sumali sa proyekto ay sapagkat nakita niya ito bilang oportunidad na mas mapalawak pa ang pangkaalamang pangkasaysayan ng mga Pilipino. Ayon sa panunuringaklat ni Michael Charleston “Xiao” Chua sa Tadhana, ang pangunahing ambag ng aklat ay ang pagiging kauna-unahang akdang pangkasaysayan ng Pilipinas na pinaka ekstensibo ang pagtalakay sa panahon mula ikalabing-anim hanggang ikalabingwalong dantaon. Aniya, lahat ng mga aklat at teksbuk bago ang Tadhana ay mayroong nakapanipis na pagtalakay sa panahong ito. Karamihan sa mga pahina ng mga aklat ay nakatuon sa ikalabingsiyam na dantaon. Dahil pangulo ang pasimuno ng proyektong ito, inalis ang restriksyon sa lahat ng batis na matatagpuan sa Pambansang Aklatan at Pambansang Sinupan ng bansa, upang magamit ang mga ito ng pangkat. Ipinadala rin ang ilang mga iskolar sa Estados Unidos habang kay Salazar ipinagkatiwala ang paggalugad sa mga aklatan at sinupan ng Europa, dahil na rin sa kaalaman niya sa mga wikang Europeo.25 Kaya naman, tinitingnan ni Salazar ang paglahok niya sa proyektong ito hindi bilang paglilingkod sa diktador kundi okasyon para maisakatuparan ang mahalagang gawain ng pagsusulat ng pambansang kasaysayan tungo sa patuloy na pagbubuo ng bayan. Aniya: Ang mga presidente ay manunungkulan sa maikling panahon at pagkatapos ay mawawala. Ngunit ang proyekto ng pagsulat ng kasaysayan ay “Ang Akademikong Debate/Talastasan ng Dekada,” p. 22, 24. Isang di-nakalathalang dokumento na tinipon at isinaayos ni Prop. Michael Charleston Chua. Ito ay naglalaman ng palitan ni Patricio Abinales sa isang banda, at Zeus Salazar, Adonis Elumbre, Atoy Navarro at iba sa kabilang banda sa facebook noong Hulyo 2010 ukol sa samu’t saring isyu tulad ng Marxismo, Mindanao, Batas Militar, at Pantayong Pananaw. 25 Michael Charleston B. Chua, “Ang Dapat na Tadhana ng Tadhana: Isang Muling Sulyap sa Pamana ng Intelektwal na Produksyon ng Diktadurang Marcos ukol sa 17-18 Siglo,” Panunuringaklat sa klase ni Vicente Villan na Kasaysayan 203, Unang Semestre, 2010-2011. 24 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 59 SANTOS nagpapatuloy. Dapat pa nga na bawat administrasyon ay magkaroon ng proyekto ng multi-volume na kasaysayan ng Pilipinas. Ngunit natigil iyan kay Marcos, wala na muling pangulong nagsagawa ng ganyang proyekto.26 Ngunit taong 1979 ay nilisan na ni Salazar ang proyektong Tadhana. Kalagitnaan ng dekada sitenta ay magtatagpo ang landas ng tatagurian sa hinaharap bilang “Tatlong Bathala ng Agham Panlipunang Pilipino”: Zeus Salazar, Virgilio Enriquez at Prospero Covar. Matapos ang kanilang pag-aaral sa UP, lahat sila ay tumungo sa ibang bansa upang kumuha ng doktorado: Doktorado sa Etnolohiya sa Sorbonne University, Paris si Salazar; Doktorado sa Panlipunang Sikolohiya sa Northwestern University, Illinois si Enriquez; at Doktorado sa Antropolohiya sa University of Arizona si Covar. Bumalik si Salazar (1968), Enriquez (1971) at Covar (1975) sa UP sa parehong taon kung kailan nila natapos ang kani-kanilang doktorado. Taong 1975 ay inorganisa ni Enriquez ang Unang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino, kung saan inimbitahan niya bilang mga tagapagsalita sina Salazar at Covar. Bunga ng kumperensyang ito ay ipinanganak ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP).27 Tumayo si Salazar bilang isa sa mga unang lupong tagapamahala ng PSSP. Mula rito ay naging mahigpit na ang pagtutulungan sa pagitan ng tatlong pantas, na nagsulong ng Pilipinisasyon ng kanilang disiplina sa kani-kanilang Departamento ng Kasaysayan, Sikolohiya at Antropolohiya. Bunga nito, tatagurian sila bilang Ama ng Pantayong Pananaw (Salazar), Ama ng Sikolohiyang Pilipino (Enriquez), at Ama ng Pilipinolohiya (Covar). Pagsapit ng 1980, kasama ang kanyang asawa, ang Alemang lingguwistang si Marlies Spiecker-Salazar, at kanilang mga anak, tumungo sila sa Alemanya noong 1980 kung saan sila nanirahan ng limang taon. Nanatili siya sa Unibersidad ng Cologne sa pamamagitan ng research fellowship na naigawad sa kanya ng pamahalaang Aleman. Sa Cologne mailalathala ang mahalagang sanaysay niya na A Legacy of the Propaganda,28 kung saan niya unang Mark Joseph Santos at Axle Christien J. Tugano, mga pat., Martes sa Escaler (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2019), pah. 96. 27 Atoy Navarro, “Ama ng Sikolohiyang Pilipino: Buhay at Kontribusyon ni Virgilio G. Enriquez,” Diwa E-Journal 1:1 (Nobyembre 2013): 244. 28 Zeus Salazar, “A Legacy of the Propaganda” nasa Salazar, pat., The Ethnic Dimension: Papers on Philippine Culture, History and Psychology (Kolonya: Counseling Center for Filipinos, 1983), pah. 107-126. 26 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 60 ipaliliwanag ang pagkakabuo ng reaktibong tatluhang-hating pangkasaysayan ng nasyonalistang historiograpiya bilang tugon sa dalawahang-hating pangkasaysayan ng kolonyal na historiograpiya. Habang nasa siyudad na ito, nakipag-ugnayan siya sa mga kasamahan niyang propesor sa UP Departamento ng Kasaysayan at magkakatuwang nilang itinatag ang Bahay Saliksikan sa Kasaysayan.29 Ang aralang grupong ito ang maglalathala sa Cologne ng tesis at mga disertasyon nina Nilo Ocampo,30 Jaime Veneracion,31 at Consolacion Alaras.32 Bumalik si Salazar sa UP noong 1986 upang ipagpatuloy ang kanyang pagtuturo. Makalipas ang isang taon, hinirang siya bilang tagapangulo ng Departamento ng Kasaysayan. Nagbigay ito sa kanya ng oportunidad upang mas payabungin sa Departamento ang pagtuturo at pagsusulat ng kasaysayan sa Filipino. Sa panahon ding ito lilitaw sa mga magasin ang tuwiran ngunit maiikling paliwanag ni Salazar ukol sa PP.33 PANAHON NG PAGSIBOL: MULA SA UNANG PAMBANSANG KUMPERENSYA SA HISTORIOGRAPIYANG PILIPINO HANGGANG SA PUBLIKASYON NG “PANTAYONG PANANAW: UGAT AT KABULUHAN” (19891997) Ang natatanging pangyayari na maaaring ituring na nagbigay daan sa institusyunalisasyon ng PP sa UP Departamento ng Kasaysayan ay ang Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino na naganap mula Marso 27 hanggang Abril 1, 1989. Sa pangunguna ni Salazar, inorganisa ito ng Departamento ng Kasaysayan, Lipunang Pangkasaysayan, at Bahay Saliksikan sa Kasaysayan. Ito ang kauna-unahang pampublikong pagtitipon kung saan sistematikong inilatag ng samu’t saring tagapagsalita ang pagbuo ng isang Bagong Kasaysayan na nakasandig sa PP. Kalaunan, tinipon ang mga papel ng mga tagapagsalita at nailimbag sa pamamatnugot nina Dedina Lapar Reyes, op cit, pah. 8 Nilo Ocampo, Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901 (Kolonya: Bahay Saliksikan ng Kasaysayan, 1985). 31 Jaime Veneracion, Kasaysayan ng Bulakan (Kolonya: Bahay-Saliksikan sa Kasaysayan, 1986). 32 Consolacion R. Alaras, Pamathalaan: Ang Pagbubukas sa Tipan ng Mahal na Ina (Kolonya: Bahay-Saliksikan sa Kasaysayan, 1988). 33 Zeus Salazar, “Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag,” Philippine Currents IV:9 (September 1989): 17-20, at “Ang Pantayong Pananaw sa Agham Panlipunan: Historiograpiya,” Philippine Currents IV:11-12 (November-December 1989): 10-14. 29 30 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 61 at Bernadette Abrera.34 Liban sa naipakalat ng kumperensyang ito ang mga ideya ng PP sa napakaraming mga delagado na nagmula sa iba’t ibang institusyon at nailahad ang opisyal na tindig ng Departamento ukol sa historiograpiya, napakahalaga rin ng akademikong pagtitipong ito dahil nagbigay daan ito sa pagtatatag ng isang propesyunal na samahang pangkasaysayan. Matapos ang kumperensya, pormal na itinatag ang Asosasyon ng mga Dalubhasa, may Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA) ng Pilipinas, na pinangunahan ni Jaime Veneracion bilang unang pangulo nito. Katulad ng Bahay Saliksikan sa Kasaysayan, magsisilbing matibay na instrumento ang ADHIKA sa pagsusulong ng pagtuturo at pananaliksik sa kasaysayan na nasa wikang Filipino at may PP, na isinasagawa nito hanggang sa kasalukuyan. Dalawang taon lamang naglingkod si Salazar bilang tagapangulo ng Departamento ng Kasaysayan, dahil dalawang buwan matapos ang kumperensya ay itinalaga siya bilang dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya. Radikal at mabilisan ang ginawang transpormasyon ni Salazar sa sistema ng Kolehiyo. Simboliko ang ginawa niyang pagsasaFilipino ng pangalan ng Kolehiyo mula College of Social Sciences and Philosophy tungong Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP). Ipinagutos niya ang tahasang pagsasa-Filipino ng mga liham at papel-transaksyon ng Kolehiyo, maging ang pagsulat ng mga katitikan at wika ng mga pagpupulong. Lubos na nakatulong sa pagpupunyaging ito ni Salazar ang pag-angat ni Jose Abueva bilang ikalabing-anim na pangulo ng UP mula 1987 hanggang 1993. Liban sa kanyang reputasyon bilang isa sa mga nangungunang pantas ng agham pampulitika ng bansa, pinaka kilala rin si Abueva sa kanyang institusyunalisasyon ng wikang Filipino sa UP sa panahon ng kanyang panunungkulan. Upang matasa ang estado ng pagpi-Filipino ng iba’t ibang departamento sa pamantasan, ipinag-utos ni Abueva ang pagdaraos ng isang kolokyum. Ginanap sa parehong taon ng kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino, ang kolokyum na ito ay nilahukan ng mga kinatawan ng unibersidad mula sa iba’t ibang disiplina tulad ng kasaysayan, heyograpiya, sosyolohiya, gawaing panlipunan, antropolohiya, sikolohiya, ekonomiya, demograpiya, agham pampulitika, administrasyong pampubliko, lingguwistika, at batas. 34 María Bernadette L. Abrera at Dedina A. Lapar, mga pat., Paksa, Paraan at Pananaw sa Kasaysayan: Ulat ng Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino, 27 March 1 April 1989 (Lunsod Quezon: Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas, 1993) 219-224. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 62 SANTOS Inilahad ng bawat tagapagsalita ang kasaysayan at kasalukuyang kondisyon ng pagpi-Filipino sa kani-kanilang departamento. Kalaunan, tinipon ang kanilang mga papel at inilimbag sa pamamatnugot ni Salazar.35 Isa pa sa magiging preokupasyon ni Salazar ay ang pamamahala ng programang doktorado sa Philippine Studies. Pinalitan niya ang pangalan ng PhD Philippine Studies patungong Doktorado sa Pilipinolohiya, na sumisimbulo sa radikal na pagbabago sa pananaw ng programa. Naging katuwang niya ang kanyang matalik na kaibigang si Prospero Covar ng Departamento ng Antropolohiya (na hinirang niya bilang Kawaksing Dekano)36 sa pagdadalumat ng konseptong Pilipinolohiya. Binigyang kahulugan ni Covar ang Pilipinolohiya bilang: [S]istimatikong pag-aaral ng (1) Pilipinong kaisipan (psyche) (2) Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan. Ang wika at iba’t ibang larangan ng sining: musika, pagguhit, eskultura, sayaw, arkitektura, drama, panitikan, pelikula, pilosopiya, pati na ang relihiyon ay aking ibinibilang sa kultura. Sa kabuuan, ang lahat ng ito: kaisipan, kultura at lipunan ang pinag-aaralan upang palitawin ang pagka F/Pilipino ng bawat larangan. Ang lahat ng larangang nabanggit ay hinabi at nililok ng mga F/Pilipino.37 Samakatuwid, anumang pag-aaral ukol sa mga Filipino sa Pilipinas na nasa wikang Filipino ay maituturing na saklaw ng malawak na larangan ng Pilipinolohiya. Sa pamamagitan muli ng pagtutulungan ng dalawa, magkakaroon ng pagtitipon ng buod ng mga disertasyon na naisulat sa ilalim ng programang doktorado ng Pilipinolohiya, at ilalathala ito bilang Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya at Pananaliksik.38 Bukod sa artikulo ni Zeus Salazar, pat., Ang P/Filipino sa Agham Panlipunan at Pilosopiya (Maynila: Kalikasan Press, 1991). 36 Lily Mendoza, “Theoretical Advances in the Discourse of Indigenization,” nasa Atoy M. Navarro at Flordeliza Lagbao-Bolante, mga pat., Mga Babasahin sa Agham Panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw (Lunsod Quezon: C&E Publishing Inc., 2007), pah. 259. 37 Prospero Covar, Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture (Metro Manila: National Commission for Culture and the Arts, 1998), pah. 27. 38 Violeta V. Bautista at Rogelia Pe-Pua, mga pat., Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya at Pananaliksik (Maynila: Kalikasan Press, 1991). 35 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 63 Covar na tumatalakay sa saklaw at pananaw ng Pilipinolohiya, nakapaloob din sa aklat na ito ang kauna-unahang ekstensibong pagpapaliwanag ni Salazar sa PP. Ang Pantayong Pananaw bilang Diskursong Pangkabihasnan ang maituturing na pinaka sistematikong eksposisyon ni Salazar ng PP. Isang matibay na patunay nito ay ang desisyon ni Isaac Donoso, propesor ng kasaysayan sa Unibersidad ng Alicante, Espanya na piliin ang artikulong ito at isalin mula Filipino tungong Espanyol upang ipresinta ang PP sa mga akademiko at estudyanteng Espanyol.39 Mahalaga ang taong 1997 sa yugtong ito ng kasaysayan ng PP. Sa taong ito titipunin ng mga mag-aaral ni Salazar ang kanyang kalat-kalat na mga sanaysay mula sa iba’t ibang dyornal at aklat at ilalathala sa ilalim ng titulong Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan.40 Ito ang magsisilbing unang isang buong aklat ukol sa PP. Ang publikasyon nito ay naging instrumental sa paglaganap ng PP sa labas ng UP. PANAHON NG PAGYABONG: MULA SA PUBLIKASYON NG “PANTAYONG PANANAW: UGAT AT KABULUHAN” HANGGANG SA PAGLULUNSAD NG SALIKSIK EJOURNAL (1997-2012) Sa buong kasaysayan ng PP mula 1970 hanggang kasalukuyan, ang dekada nobenta at unang dekada ng sumunod na siglo ang maituturing na pinaka produktibong mga dekada ni Salazar at ng Bagong Kasaysayan sa usapin ng paglalathala ng mga akda ukol sa PP. Liban sa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan, mahalaga rin ang 1997 dahil sa taong ito sisimulan ng Bagong Kasaysayan (BAKAS) ang paglulunsad ng serye ng mga pag-aaral na nasa diwa ng PP, na naging posible sa pamamagitan ng di-matatawarang tulong ni Carmen Peñalosa. Mula 1997 hanggang 2006, labing-apat na mga monograp ang inilathala ng BAKAS na isinulat ni Salazar at iba pang tagapagsulong ng PP na karamihan ay kanyang mga dating mag-aaral. Narito ang listahan ng labinlimang lathalain:41 Zeus Salazar, “Pantayong Pananaw como Discurso Civilizacional,” isinalin ni Isaac Donoso, Revista Filipina 2:2 (2015): 5-22. 40 Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, mga pat., Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan. Pambungad na Pag-aaral sa Bagong Kasaysayan (Lunsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 1997). 41 Mapapansin na walang “Lathalain Bilang 12,” at tumalon kaagad sa Lathalain Bilang 13. Maaaring nagkaroon lamang dito ng pagkakamali sa pagnunumero. 39 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 64 SANTOS Talahanayan I Serye ng mga BAKAS Monograp mula 1997 hanggang 2006 Bilang Lathalain Bilang 1 Lathalain Bilang 2 Lathalain Bilang 3 Lathalain Bilang 4 Lathalain Bilang 5 Lathalain Bilang 6 Monograp Ang ‘Real’ ni Bonifacio bilang Teknikang Militar42 Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino43 Ang Timawa sa Kasaysayang Pilipino44 Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas,45 Ang Himagsikang Pilipino sa mga Pahayagang Aleman46 Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan47 Lathalain Bilang Ang Kababaihan sa Himagsikang 7 Pilipino48 Lathalain Bilang Wika ng Himagsikan Lengguwahe 8 ng Rebolusyon49 Lathalain Bilang ‘Araw’ at ‘Gahum’ ng New Israel sa 9 Mindanaw: Isang Pag-aaral sa Sekta ng Moncado Alpha and Omega sa Perspektibang HistorikoKultural50 May-akda Zeus Salazar Zeus Salazar Nancy KimuellGabriel Zeus Salazar Portia L. Reyes Zeus Salazar Mary Jane Rodriguez Zeus Salazar Myfel Joseph Paluga Zeus Salazar, Ang ‘Real’ ni Bonifacio bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1997). 43 Zeus Salazar, Si Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1997). 44 Nancy Kimuell-Gabriel, Ang Timawa sa Kasaysayang Pilipino (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999). 45 Zeus Salazar, Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999). 46 Portia L. Reyes, Ang Himagsikang Pilipino sa mga Pahayagang Aleman (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999). 47 Zeus Salazar, Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999). 48 Mary Jane Rodriguez, Ang Kababaihan sa Himagsikang Pilipino (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999). 49 Zeus Salazar, Wika ng Himagsikan Lengguwahe ng Rebolusyon (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999). 50 Myfel Joseph Paluga, ‘Araw’ at ‘Gahum’ ng New Israel sa Mindanaw: Isang Pag-aaral sa Sekta ng Moncado Alpha and Omega sa Perspektibang Historiko-Kultural (Lunsod Quezon: 42 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 65 SANTOS Lathalain Bilang 10 Lathalain Bilang 11 Manifesto ng Partido Komunista51 Ang Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalikasan, Kaparaanan, Pagsasakasaysayan52 Lathalain Bilang Ideolohiyang Anacbanua: Pagtatakda 13 ng Baley/Sentro ng Doxa at Kamalayang Makabansa sa Kasaysayan at Panitikan ng Pangasinan53 Lathalain Bilang Ang Sakayan sa Pagbubuo ng 14 Banua: Pandan, 1174-194854 Lathalain Bilang Ang Dalumat ng Bayan sa 15 Kamalayan at Kasaysayang Pilipino55 Zeus Salazar Atoy Navarro Ma. Crisanta Flores Efren Isorena Mary Jane Rodriguez Sa dalawang dekada rin na ito lilitaw ang mahahalagang mga aklat ni Salazar tulad ng The Malayan Connection,56 Mga Tula ng Pag-iral at Pakikibaka,57 Liktao at Epiko,58 Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas,59 Pangulong ERAP: Biograpiyang Sosyo-Pulitikal at 60 Pangkalinangan ni Joseph Ejercito Estrada, Ang Pilipinong Banua/Banwa sa Bagong Kasaysayan, 2000). 51 Karl Marx at Friedrich Engels, Manifesto ng Partido Komunista ng Pilipinas, salin ni Zeus Salazar (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2000). 52 Atoy Navarro, Ang Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalikasan, Kaparaanan, Pagsasakasaysayan (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2000). 53 Ma. Crisanta Flores, Ideolohiyang Anacbanua: Pagtatakda ng Baley/Sentro ng Doxa at Kamalayang Makabansa sa Kasaysayan at Panitikan ng Pangasinan (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2006). 54 Efren Isorena, Ang Sakayan sa Pagbubuo ng Banua: Pandan, 1174-1948 (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2006). 55 Mary Jane Rodriguez, Ang Dalumat ng Bayan sa Kamalayan at Kasaysayang Pilipino (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2006). 56 Zeus Salazar, Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1998). 57 Zeus Salazar, Mga Tula ng Pag-iral at Pakikibaka (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2001). 58 Zeus Salazar, Liktao at Epiko: Ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan, Camarines Sur (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2004). 59 Zeus Salazar, Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2004). 60 Zeus Salazar, Pangulong ERAP: Biograpiyang Sosyo-Pulitikal at Pangkalinangan ni Joseph Ejercito Estrada. Tomo 1. Pinunong Bayan: Tungo sa Hamon ng EDSA II (San Juan: RPG Foundation Inc., 2005). Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 66 Mundong Melano-Polynesiano,61 at Asya: Kasaysayan at Kabihasnan.62 Tulad ng napansin ni Atoy Navarro, late bloomer si Salazar pagdating sa paglalathala.63 Mapapansing dekada nobenta lamang aarangkada ang kanyang publikasyon sa usapin ng bilang. Bago ang 1990s, marami siyang kalat-kalat na mga artikulo ngunit mangilan-ngilan lamang ang kanyang mga aklat na naisusulat. Tatlong dahilan ang maaaring tingnan. Una, natuon ang atensyon ni Salazar sa kanyang mga gampanin bilang tagapangulo ng departamento (1987-1989) at dekano ng kolehiyo (1989-1992). Ikalawa, ang radikal na mga hakbang ni Salazar tungo sa pagsasa-Filipino ng kolehiyo ay umani ng antagonismo mula sa ilan niyang mga kasamahan, na naging sanhi ng pagkalublob niya sa masalimuot na pulitika at polemika ng kolehiyo, na malamang na umubos ng kanyang oras.64 Sa simula pa lamang ng kanyang panunungkulan bilang dekano ay tinatangka na ang pagpapababa sa kanya at pag-agaw sa kanyang posisyon, ngunit nagawa niya itong pagtagumpayan hanggang sa palitan siya ni Consuela Paz noong 1992. Ikatlo, dekada nobenta unti-unting mawawalan ng administratibong gawain si Salazar. Bukod sa pagbaba bilang dekano noong 1992, taong 1996 binitawan ni Salazar ang kurso sa historiograpiya. Taong 2000 naman magreretiro si Salazar mula sa pagtuturo sa UP. Ang mga ito ang makapagpapaliwanag kung bakit dekada nobenta lamang siya magsisimulang maging produktibo sa kanyang mga paglalathala. Matapos ang pagreretiro, lalo pang dadami ang kanyang panahon sa pagsusulat, gayundin ang pagbibigay ng mga publikong panayam. Subalit kaalinsabay ng pagbulusok sa produksyon ng mga lathalain ni Salazar at BAKAS ay ang unti-unti namang paghina ng PP sa UP. Dalawang salik ang maaaring makapagpaliwanag nito. Una ay ang pagbaba ni Salazar bilang dekano noong 1992 at kanyang pagreretiro noong 2000 sa edad na 66. Bagaman dalawang taon ang maaaring ekstensyon ng isang propesor na may edad 65 bago ang pagreretiro, isang taon lamang ang ipinahintulot na ekstensyon kay Salazar sa UP. Kasunod nito ay ang unti-unting pagtanggal mula sa Departamento ng Kasaysayan ng mga nakababatang tagapagsulong ng PP mula 2002 hanggang 2003. Ang mga propesor na ito ay nagsilipat sa iba’t ibang institusyon tulad ng UP Manila, Pamantasang De La Salle, Zeus Salazar, Ang Pilipinong Banua/Banwa sa Mundong Melano-Polynesiano (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2006). 62 Zeus Salazar, Atoy Navarro, Lars Ubaldo, at Sharon Maminta, Asya: Kasaysayan at Kabihasnan (Lunsod Quezon: Abiva Publishing House Inc., 2010). 63 Personal na komunikasyon kay Prop. Atoy Navarro sa opisina ng Institute of Human and Social Development, PUP Sta. Mesa, Setyembre 28, 2018. 64 Personal na komunikasyon kay Dr. Carlos Tatel Jr., Bulwagang Bonifacio, PUP Sta. Mesa, Hulyo 2, 2019. 61 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 67 Kolehiyo ng San Beda, Kolehiyo ng St. Joseph, at Kolehiyo ng St. Scholastica. Kalaunan, ilan sa kanila ay nakabalik sa UP Diliman, ngunit hindi sa Departamento ng Kasaysayan, bagkus ay sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP).65 Dahil sa mga personal at ideolohikal na pulitika, unti-unting binaklas ng ilang propesor mula sa kolehiyo at departamento ang PP. Bagaman nanatili ang pagsasa-Filipino sa Departamento ng Kasaysayan (na hanggang ngayon ay nagpapatuloy), naisagilid naman dito ang PP bilang pangkasaysayang perspektiba sa pagtuturo at pananaliksik, samantalang bumalik naman ang dominasyon ng Ingles sa kolehiyo. Isang simbolikong aksyon dito ang pagtanggal ng pangalang Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ng kolehiyo. Marahil isa sa mga dahilan ng antogonismong ito sa PP ay ang pagtaliwas ng marami sa radikal at istriktong pamumuno ni Salazar, na kinailangan niya upang mabilisang maisagawa ang pagsasa-Filipino ng kolehiyo. Ikalawang salik nito ay ang krisis sa pamunuan ng ADHIKA. Mula 2000, unti-unting kakalas mula sa PP ang ilang propesor ng Departamento ng Kasaysayan at mga pinuno ng ADHIKA tulad nina Ferdinand Llanes, Jaime Veneracion at Bernadette Abrera. Umiinog ang kanilang pangkat sa konsepto ng Kasaysayang Bayan, na ang pakahulugan ay iba sa mga pagpapakahulugang naisagawa na ni Salazar noon pa mang 1985. Naagaw ng kanilang pangkat ang pamunuan ng ADHIKA nang iluklok si Llanes bilang pangulo nito. Isa sa naging pangunahing dahilan ng paghiwalay ng pangkat ng Kasaysayang Bayan sa PP ay ang patuloy na pagtindig ni Salazar sa kanyang paniniwala na hindi pa naiuugat ang Marxismo sa kalinangang Pilipino kaya naman hindi pa ito nagkakaroon ng saysay sa Kapilipinuhan.66 Matutunghayan ang mga polemika ng magkabilang panig sa mga publikasyon ng BAKAS at ADHIKA mula sa taong 2000. Ang pinaka tuwirang kritisismo ni Salazar sa pangkat ng Kasaysayang Bayan (na madalas niyang kantiin sa pamamagitan ng taguring “kasaysayan ba yan?”) ay matatagpuan sa mga komentaryo at talababa niya sa kanyang salin ng Manifesto ng Partido Komunista.67 Dahil sa pinagsama-samang pangyayaring ito (pagtatapos ng termino ni Salazar bilang dekano, pagreretiro, pagtatanggal sa mga nakababatang Personal na komunikasyon kay Prop. Atoy Navarro, facebook messenger, Setyembre 17, 2019. 66 Portia L. Reyes, “Fighting Over a Nation: Theorizing a Filipino Historiography,” Postcolonial Studies 11:3 (2008): 244. 67 Karl Marx at Friedrich Engels, Manifesto ng Partido Komunista ng Pilipinas, salin ni Zeus Salazar (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2000), pah. 175-193, 271-273. 65 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 68 tagapagsulong ng PP, personal at mga ideolohikal na pulitika sa kolehiyo, at krisis sa pamunuan ng ADHIKA), unti-unting naisagilid ang PP sa departamento at kolehiyo, at natigil na ang institusyunalisasyon nito sa UP na nagsimula noong 1989. Ngunit sa perspektiba ni Salazar at iba pang miyembro ng BAKAS, sa isang banda ay nakabuti pa nga ang mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng PP sa pangmatagalang aspekto. Sa halip na nakasentro lamang ang PP sa UP Departamento ng Kasaysayan, naipalaganap ito sa iba’t ibang institusyon kaakibat ng pagkalat ng mga nakababatang tagapagsulong nito sa labas ng UP. Bagaman “retirado” na sa pagtuturo sa UP, wala naman talagang pagreretirong ginawa si Salazar sa mga gawaing pangkasaysayan. Kung tutuusin, mas dumami pa nga ang kanyang panahon sa pagsusulat at pagbibigay ng mga pampublikong panayam sa iba’t ibang seminar at kumperensya. Sa parehong taon ng pagreretiro niya sa UP ay inanyayahan naman siya na magturo sa Departamento ng Sikolohiya at Departamento ng Lingguwistika ng Pamantasang De La Salle. Nagturo siya rito sa loob ng apat na taon, mula 2000 hanggang 2004. Mula sa kanyang pagtuturo sa pamantasang ito ay nabuo ang pinatnugutan niyang Sikolohiyang Panlipunanat-Kalinangan,68 na kolektibong isinulat ng kanyang mga gradwadong estudyante sa sikolohiya. Taong 2003 pinasimulan ng BAKAS ang serye ng mga pambansang kumperensya nito ukol sa PP. Malaki ang naging implikasyon nito sa pagpapalaganap ng PP sa sistemang pang-edukasyon sapagkat karamihan sa mga dumadalo rito ay mga guro ng agham panlipunan sa primarya at sekondarya, gayundin ang mga instruktor at propesor ng kasaysayan at mga agham panlipunan sa mga pamantasan. Makikita sa talahanayang nasa ibaba ang tema ng mga pambansang kumperensya ng BAKAS mula 2003 hanggang 2018:69 Zeus Salazar, pat., Sikolohiyang Panlipunan-at-Kalinangan: Panimulang Pagbabalangkas ng Isang Larangan (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2004). 69 Ang impormasyon mula sa una hanggang ikalabingdalawang kumperensya ay hango sa Zeus Salazar at Carmen Peñalosa, mga patnugot, Pagkabuo ng Bayan (1588-1913): Ikalawang Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2014), walang pahinasyon. 68 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 69 SANTOS Talahanayan II Serye ng mga Pambansang BAKAS Seminar-Workshop mula 2003 hanggang 2018 Bilang Una Ikalawa Ikatlo Ikaapat Ikalima Ikaanim Ikapito Ikawalo Tema Bagong Kasaysayan: Ang Historiograpiyang Pilipino sa Ika-21ng Dantaon Iba’t Ibang Pilosopiya at Pamamaraan sa Pagsusulat at Pagtuturo ng Kasaysayan Ang mga Etnolingguwistikong Grupo sa Pag-aaral ng Etnisidad: Tungo sa Integratibong Lapit/Metodo ng Pagtuturo at sa Pagpapatibay ng Araling Panlipunan bilang Bahagi ng Kurikulum sa Lahat ng Antas Pang-edukasyon Mga Pagsasakasaysayan sa Bagong Historiograpiyang Pilipino: Mga Larangan sa Pananaliksik at Pagtuturo, Integrasyon at Pagpopook (Indehinisasyon o Lokalisasyon) Kamalayang Panrelihiyon at Pambansa: Pagbabalik-aral sa Karanasang Ispiritwal ng mga Pilipino sa Agos ng Kasaysayan at ang Nagpapatuloy na Papel ng Relihiyon sa Lipunan at Estadong Pilipino Kalikasan, Kapaligiran at Kalinangan sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan Ang Bayan sa Ibayong-dagat: OFW, Pamilyang Pilipino at Katatagang Panlipunan sa Agos ng Kasaysayan ng Migrasyon Kasarian: Mga Pagpapakahulugan sa Daloy ng Pinagdausan Poveda Learning Center, Quezon City Poveda Learning Center, Quezon City Mirriam College, Quezon City Petsa Abril 2224, 2003 Colegio de San Juan de Letran, Manila Abril 1820, 2006 San Beda College, Manila Abril 1820, 2007 St. Paul College, Makati Abril 2325, 2008 Don Bosco Technical School, Makati Abril 2224, 2009 Unibersidad ng Pilipinas, Manila Mayo 5-7, 2010 Abril 1214, 2004 Abril 1820, 2005 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 70 SANTOS Ikasiyam Ikasampu Ikalabingisa Kasaysayan Kasaysayan at Kalinangan: Ang Bagong Kasaysayan sa Unang Dekada ng Siglo 21 Kasaysayan at Kapilipinuhan: Bagong Balangkas Ortigas Foundation Inc. Library, Ortigas Center, Pasig Don Bosco Technical School, Makati San Antonio de Padua College, Laguna Pamayanan (hk 500,000-250,000 BK-1588 MK): Unang Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan sa Pagdiriwang ng Ika-400ng Anibersaryo ng Pagkalimbag ni Tomas Pinpin ng Diksyunaryo ni San Buenaventura (1613) Ikalabing- Pagkabuo ng Bayan (1588-1913): Politeknikong dalawa Pangalawang Yugto ng Unibersidad ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan. Pilipinas, San Alay sa Pagdiriwang ng IkaJuan 150ng Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio Ikalabing- Panahon ng Transisyon at Krisis Filamer Christian tatlo ng Lipunan at Kalinangan ng University, Kapilipinuhan (1890-1913): Roxas, Capiz Huling Baytang ng Pagkabuo ng Bayan (1588-1913). Pangalawang Bahagi ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (500,000/250,000 BK-2015 MK) Ikalabing- Bagong Kasaysayan at ang K-12 Claret School of apat Curriculum Quezon City Mayo 1012, 2011 Abril 1821, 2012 Abril 3-6, 2013 Abril 2326, 2014 Abril 2225, 2015 Abril 1113 Sa yugto ring ito ng paglaganap (1997-2012) lumitaw ang mga tesis at disertasyon na pumapaksa sa PP. Ilan na rito ang tesis at mga disertasyon nina Ramon Guillermo sa Unibersidad ng Pilipinas,70 Lily Mendoza sa Arizona State University,71 Portia Reyes sa Bremen University,72 at Rommel Curaming 70 Ramon Guillermo, Pook at paninindigan sa pagpapakahulugan: pag-uugat ng talastasang sosyalista sa kalinangang bayan (MA Thesis: University of the Philippines, 1999). 71 S. Lily Mendoza, Between the Home and the Diaspora: The Politics of Theorizing Filipino Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 71 SANTOS sa Australian National University.73 Naging paksa rin ang PP ng isang buong isyu ng dyornal na Kritika Kultura ng Ateneo de Manila University (ADMU). Ang isyung ito, na may kontribusyon nina Guillermo,74 Myfel Paluga,75 Aaron Moralina,76 at Rhommel Hernandez77 ay bunga ng isang sampaksaan ukol sa PP na ginanap sa ADMU noong Hulyo 17, 2009. Lahat ng ito ay indikasyon ng paglaganap ng PP sa akademyang Pilipino. PANAHON NG PAGMUMUNGA: MULA SA PAGLULUNSAD NG SALIKSIK E-JOURNAL HANGGANG SA PAGTUTURO NI SALAZAR SA PUP (2012-2019) Dalawang pangunahing tema ang lantad sa yugtong ito ng kasaysayan ng PP. Una ay ang didyital na paglaganap ng PP, at ikalawa ay ang tumitingkad na koneksyon ni Salazar sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), partikular na sa Departamento ng Kasaysayan nito. Tatlong mahahalagang pangyayari ang pumapaloob sa didyital na pag-unlad ng PP: 1. Paglulunsad ng E-Saliksik Journal, 2. Pagsisimula ng Talastasang BAKAS sa Facebook, at 3. Serye ng mga panayam ng Dulowtard History Live kay Salazar. Sa taong 2012 ay magkakatuwang na itinatag nina Salazar, Jaime Tiongson at Lorenz Lasco ang Saliksik E-Journal, ang opisyal na dyornal ng BAKAS. Ganito binigyang deskripsyon ng mga tagapamahala ang dyornal: Ang SALIKSIK E-Journal ay naglalayong isulong ang akademikong talastasan sa agham panlipunan, humanidades, kasaysayan, pilosopiya, at siyensya sa wikang Filipino. Isa itong refereed e-journal na and Filipino American Identities. A Second Look at the Poststructuralism-Indigenization Debates (New York: Routledge, 2002). 72 Portia L. Reyes, Pantayong Pananaw and Bagong Kasaysayan in the New Filipino Historiography. A History of Filipino Historiography as an History of Ideas (PhD Dissertation: Bremen University, 2002). 73 Rommel A. Curaming, When Clio Meets the Titans: Rethinking State-Historian Relations in Indonesia and the Philippines (PhD Dissertation: Australian National University, 2006). 74 Ramon Guillermo, “Pantayong Pananaw and the History of Philippine Political Concepts,” Kritika Kultura 13 (2009): 107-116. 75 Myfel Joseph Paluga, “Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP,” Kritika Kultura 13 (2009): 117-127. 76 Aaron Rom O. Moralina, “Short Notations and Reflections on Pantayong Pananaw,” Kritika Kultura 13 (2009): 128-135. 77 Jose Rhommel B. Hernandez, “Ang Pandaigdigang Pananaw ng Pantayong Pananaw,” Kritika Kultura 13 (2009): 136-144. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 72 SANTOS itinatag nina Zeus A. Salazar, Ph.D., Jimmy F. Tiongson, at Lorenz Lasco. Lumalabas ito ng hindi bababa ng isang beses kada taon.78 Itinatahan ng bahay-dagitab ng Philippine E-Journals, mula 2012 hanggang 2018 ay nakapaglathala ito ng labingtatlong isyu. Liban noong 2013, kada taon ay naglalathala ang Saliksik E-Journal ng dalawang isyu. Makikita sa talahanayang nasa ibaba ang mga isyu ng Saliksik E-Journal: Talahanayan III Mga Isyu ng Saliksik E-Journal mula 2012 hanggang 2018 Tomo at Bilang 1:1 Taon Patnugot 2012 Lorenz Lasco at Jimmy F. Tiongson 1:2 2012 2:1 3:1 2013 2014 3:2 4:1 4:2 2014 2015 2015 5:1 2016 5:2 6:1 2016 2017 6:2 7:1 2017 2018 7:2 2018 78 Tema Pagpapakilala Saliksik EJournal, Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan Atoy Navarro Araling Kabanwahan at Araling Timog Silangang Asya Vicente Villan Sakayan, Sining at Wika Adonis Elumbre Kasaysang Buhay, Kasaysayang Bayan, at Kasaysayang Kabanwahan Nancy Kimuell-Gabriel Andres Bonifacio at Katipunan Lars Raymund Ubaldo Austronesyano Adonis Elumbre Araling ASEAN at Araling Timog Silangang Asya Ma. Florina OrillosAraling Pangkapaligiran Juan Roderick Javar Kasaysayang Buhay Mary Jane RodriguezAraling Etniko Tatel Nancy Kimuell-Gabriel Araling Kababaihan at Kasarian Atoy Navarro Festschrift para kay Nilo Ocampo: Kasaysayang Pampook, Araling Rizal, at Wikang Filipino Michael Charleston Batas Militar “Karapatang Sipi at Patnugutan,” Saliksik E-Journal 1:1 (2012). Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 73 SANTOS Chua Naging daluyan din ng talakayan ukol sa samu’t saring isyung pangkasaysayan ang facebook, na nilahukan ni Salazar at ng iba pang tagapagtaguyod ng BAKAS. Nagsimula ang tinaguriang Talastasang BAKAS sa Facebook noong 2015 nang magkaroon ng debate ukol sa pagtatayo ng Torre de Manila sa likod ng Luneta. Uminog ang pagtatalo sa pagiging etikal ng proyektong ito sa aspektong pangkasaysayan, lalo pa dahil ang pinaguusapan ay may kinalaman sa bantayog ni Jose Rizal. Kalaunan, inilimbag ng BAKAS bilang aklat ang napakahabang palitan na ito sa facebook.79 Sinundan ito ng mas kontrobersyal na debate noong 2017 sa pagitan ni Salazar at Floro Quibuyen. Nagsimula ito sa isang artikulo ni Michael Charleston “Xiao” Chua na Rizal: The First Emo? na nilapatan ng mga komentaryo ni Quibuyen sa mga talahuli ng teksto, at tinugunan namang muli ni Chua. Noong 2017, muli nilang pinaskil ang palitang ito sa facebook na nagpasimula ng talastasan ukol sa pagkakaiba ng konsepto ng bayani at heroe. Iginiit ni Quibuyen na isang uri ng maling dikotomiya ni Salazar ang paghihiwalay sa bayani at heroe, na nagbunga ng pagturing kay Rizal bilang isang heroe at hindi bayani. Napagpasyahan muli ng BAKAS na ilathala ang palitang ito, na nilapatan ni Salazar ng kanyang piling mga artikulo sa apendise ng aklat.80 Naglalaman din ang aklat na ito ng kritika ni Salazar sa tesis ni Quibuyen sa A Nation Aborted81 na kay Johann Gottfried Herder nasagap ni Rizal ang kanyang konsepto ng nasyon.82 Sa kasalukuyan, mayroon pang dalawang Talastasang BAKAS sa Facebook na napipintong ilathala ng BAKAS. Ang una ay ukol sa debate noong 2017 kung talaga bang nakatulog si Bonifacio noong 1896 kaya hindi nakalusob sa Intramuros, at ikalawa ay ukol sa palitan noong 2018 kung may pangangailangan ba na palaganapin ang baybayin bilang pambansang panulat. Taong 2017 naman sinimulan ng Dulowtard History Live ang serye ng mga panayam kay Salazar ukol sa PP. Ang Dulowtard History Live ay serye ng mga talakayan ukol sa samu’t saring paksa sa kasaysayan nina Xiao Chua at Van Arvin Lloyd Pingul, Jose Mario de Vega, at Reymar Tecson, mga patnugot, Talastasang BAKAS sa Facebook; Pagtatakda sa Luneta: Ang Monumento at ang Torre sa Kasaysayan; Hiraya ng ‘Knights’ at Pasiya ng Bayan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2015). 80 Arvin Lloyd Pingul, et al, mga pat., Pamana ng Ika-19 na Dantaon: Pagtatakdang Pangkasaysayan. Bayani at Heroe sa Pagbubuo ng Bansa (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2017). 81 Floro C. Quibuyen, A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1999). 82 “Tala tungkol sa Griyegong ήρως (heros) at Kastilang Heroe; ang Pinagmulan ng ‘Nacion’ ni Rizal,” nasa Pingul, op cit, pah. 352-389. 79 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 74 Ybiernas, na isinasagawa sa facebook at ipinapaskil sa youtube. Naganap ang serye ng kanilang pakikipanayam kay Salazar ukol sa PP at iba pang paksang may kinalaman dito noong ika-19 ng Setyembre 2017, ika-29 ng Disyembre 2018 at ika-17 ng Abril 2019. Bilang isang instrumento ng pampublikong kasaysayan, nakita nina Chua at Ybiernas ang facebook bilang epektibong daluyan ng kasaysayan patungo sa bayan. Dahil sa maraming tagasubaybay sina Chua at Ybiernas, nakatulong pang lalo ang Dulowtard History Live sa popularisasyon ng PP. Sa aspektong ito ng popularisasyon ng PP naging instrumental ang mga pangpublikong kasaysayang aktibidad ni Chua. Mas naipalaganap pa lalo ang PP sa pamamagitan ng ilan niyang mga pampublikong panayam, pagsusulat sa dyaryo at paglitaw sa telebisyon kung saan itinatanghal niya si Salazar at ang PP (dahilan kung bakit pabiro siyang binabansagan sa sirkulo ng BAKAS bilang “umalohokan ng Pantayong Pananaw”).83 Ang ikalawang mahalagang tema sa yugtong ito ng PP ay ang tumitingkad na kaugnayan ni Salazar sa PUP Departamento ng Kasaysayan. Maiuugat ito sa makailang ulit na imbitasyon ng PUP kay Salazar na maging tagapagsalita sa iba’t ibang kumperensya mula 2011 hanggang 2013.84 Taong 2013 din binigyan si Salazar ng Gawad Kalatas, isang parangal na iginagawad ng PUP Departamento ng Kasaysayan. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng PUP Departamento ng Kasaysayan sa BAKAS, idinaos ang ika-13 pambansang kumperensya ng BAKAS sa PUP San Juan noong 2014. Sa kumperensyang ito sinurpresa si Salazar ng kanyang mga dating mag-aaral, kaguro at mga kaibigan sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng dalawang festschriften,85 isa sa wikang Filipino at isa sa Ingles, sa okasyon ng Ilang halimbawa na ay ang mga sumusunod: Michael Charleston Chua, “Saysay ng sariling kasaysayan: Ang Ambag ni Zeus Salazar sa Bayan,” GMA News, Enero 8, 2018; “Mga Maling Akala ukol sa Pantayong Pananaw,” Abante, Mayo 4, 2019; at PTV, “[News@1] Xiao Time: Dr. Zeus A. Salazar, Ama ng Bagong Kasaysayan,” Youtube, Abril 21, 2014, matatagpuan sa https://www.youtube.com/watch?v=OcVnZmqU5_s, inakses noong ika-23 ng Setyembre 2019. 84 Ilan sa mga panayam na ibinahagi ni Salazar sa PUP sa yugtong ito ay ang mga sumusunod: “Andres Bonifacio bilang Pinunong Militar,” Bulwagang Claro M. Recto, PUP Sta. Mesa, ika-2 ng Disyembre 2011; “Mga Pinakaimportanteng Usapin at Pinagkakaabalahan ng mga Historyador sa Kasalukuyan hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas,” Bulwagang Claro M. Recto, PUP Sta. Mesa, ika-16 ng Pebrero 2012; “Ang Bayan tungo sa/kay Inang Bayan at sa Haring Bayang Katagalugan: Si Supremo Andres Bonifacio at ang Katipunan sa Pagbubuo ng Bansa,” Bulwagang Balagtas, PUP Sta. Mesa, ika-27 ng Nobyembre 2013. 85 Isang intelektuwal na tradisyon mula sa Alemanya, ang festschrift ay isang publikasyong iniaalay sa isang pantas bilang pagpupugay sa kanyang malaking kontribusyon sa larangan. Atoy M. Navarro, Mary Jane Rodriguez-Tatel at Vicente C. Villan, mga pat., Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan. Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2015), at Portia L. Reyes, pat., Towards a Filipino History: A Festschrift for Zeus Salazar (Lunsod 83 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 75 pagdiriwang ng kanyang ika-80 kaarawan. Mahalagang mabanggit dito na ang mga patnugot ng festschrift sa wikang Filipino ay sina Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez-Tatel, at Vicente Villan, ang tatlong dating mag-aaral ni Salazar na namatnugot rin sa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan noong 1997. Kaiba ng publikasyong 1997 kung saan ang tomo ay binubuo ng mga artikulo ni Salazar, ang festschrift ng 2014 (bagaman 2015 aktuwal na nailathala) ay kalipunan ng mga sanaysay na isinulat ng mga dating estudyante ni Salazar. Simboliko ito at nagpapakita kung gaano na umunlad ang PP mula noong 1997, at kung paanong ang PP ay lampas na sa indibiduwal na pagpupunyagi ni Salazar. Noong 2018, muling inanyayahan ng PUP Departamento ng Kasaysayan si Salazar, pero sa pagkakataong ito ay hindi na bilang tagapagsalita sa isang kumperensya. Sa isang munting pagsasalo sa Via Mare, Sentrong Asyano, inimbitahan ng noo’y tagapangulo ng PUP Departamento ng Kasaysayan na si Raul Roland Sebastian si Salazar na magbigay ng modyular na pagsasanay sa mga kaguruan ng Departamento ukol sa historiograpiya. Kalaunan nauwi ito sa kasunduan na sa halip na sanayin ang mga kaguruan, siya na ang mismong hahawak ng kursong metodolohiyang pangkasaysayan ng mga mag-aaral ng kasaysayan na nasa kanilang ikaapat na taon sa pamantasan. Mula Hunyo hanggang Oktubre 2018, sa edad na 84 ay nagklase siya sa Silid S606 ng PUP tuwing Sabado, mula alas dos ng hapon hanggang alas sais ng gabi (bagaman ang aktuwal na oras ng klase ay hanggang alas singko lamang). Naging bunga ng kursong ito ang aklat na Metodolohiyang Pangkasaysayan86 na kolektibong isinulat ng mga mag-aaral sa ilalim ni Salazar. Matapos ang unang semestre ng akademikong taon 2018-2019 ay pumayag muli si Salazar na magturo sa PUP, sa parehong klase ng mga mag-aaral. Sa pagkakataong ito ang kanya namang itinurong kurso ay pilosopiya ng kasaysayan. Mas naging mabunga ang semestreng ito dahil apat na aklat ukol sa pilosopiya ng kasaysayan ang nailathala ng mga mag-aaral na ukol sa sumusunod na mga paksa: 1. Pilosopiya ng Kasaysayang Pampook,87 2. Pilosopiya ng Kasaysayang Pambansa,88 3. Pilosopiya ng Kasaysayang Quezon: Bagong Kasaysayan, 2015). 86 Danica Dela Paz, Jomarie Ecleo, Jeremiah Montejo, Nikko Jay Ramos at Argen Rivas, mga patnugot, Metodolohiyang Pangkasaysayan; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2019). 87 John Adrianfer Atienza, Danica Dela Paz, Joce Anne Magpayo, at Argen Rivas, mga patnugot, Loob: Ang Saklaw ng Kasaysayan ng Bansa; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2019). 88 Rizza Mae Soledad, Zairylle Joice Garcia, Reign Narish Pedriña, at Krizia Rodriguez, mga Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 76 Rehiyunal,89 at 4. Pilosopiya ng Kasaysayang Pandaigdig.90 Bagaman isinulat ng mga mag-aaral, monumental ang mga aklat na ito sapagkat ang mga ito ang kauna-unahang nailathalang mga aklat sa Pilipinas ukol sa pilosopiya ng kasaysayan na nasa wikang Filipino. Liban pa rito, kolektibo ring nagsulat ng institusyunal na kasaysayan ng PUP ang klaseng ito.91 Dahil hindi sapat para kay Salazar ang apat na oras na klase upang mapayabong ang kaalaman ng mga mag-aaral, ipinangkat niya sila sa iba’t ibang grupo, at bawat grupong ito ay kinatatagpo niya ng isa o dalawang beses sa kanyang tahanan na kung tawagin ay Bahay Escaler, tuwing araw ng Martes. Sa pagkakataong ito sila binibigyan ni Salazar ng munting lektura, rekomendasyon sa mga batis na dapat gamitin, at mga payo sa pag-aayos ng kanilang balangkas upang maihanda sila sa gagawin nilang ulat sa araw ng Sabado. Lahat ng katitikan (minutes of the meeting) na naitala ng mga mag-aaral ukol sa metodolohiyang pangkasaysayan sa unang semestre ay tinipon at inilathala bilang Martes sa Escaler.92 Nahahati ang mga katitikang ito ng mga napag-usapan sa Bahay Escaler sa tatlong paksa: 1. Kritikang Panlabas at Panloob, 2. Mga Pantulong na Disiplina (tulad ng arkeolohiya, antropolohiya, lingguwistika, sikolohiya, ekonomiks, at agham pampulitika), at 3. Naratibong Pangkasaysayan. Sa ikalawang semestre sa kursong pilosopiya ng kasaysayan ay ganito rin ang naging paraan ng klase ni Salazar. Tuwing Sabado ay nagkaklase siya sa PUP at tuwing Martes ay kinatatagpo niya ang mga grupo sa Bahay Escaler. Sa pagkakataong ito, sa halip na katitikan ay naghanda ang mga mag-aaral ng transkripsyon ng aktuwal na mga naging usapan sa BahayEscaler tuwing may nagaganap na pagpupulong. Ang koleksyon naman ng mga transkripsyong ito sa mga pagpupulong na naganap mula Nobyembre 2018 hanggang Enero 2019 ang nagbunga ng ikalawang tomo na Martes sa Escaler II: Pilosopiya ng Kasaysayan.93 Sa pangkabuuan, walong aklat ang patnugot, Pilosopiya ng Kasaysayang Pambansa; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2019). 89 Alexander P. Asumbrado, Paula Louise L. Monilla, Aira Lei L. Nunag, at Audrey Stephanie L. Quibot, mga patnugot, Ang Pilosopiya ng Kasaysayang Rehiyunal; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2019). 90 Nikko Jay B. Ramos, Jvel P. Atayde, Razziline A. Barlaan, Mary-Dianne A. Hernan, mga patnugot, Ang Pilosopiya ng Kasaysayang Pandaigdig; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2019). 91 Adrianfer Atienza, Danica Dela Paz, Nikko Jay Ramos, Argen Rivas, mga patnugot, Kasaysayan ng PUP; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2019). 92 Mark Joseph Santos at Axle Christien J. Tugano, mga pat., Martes sa Escaler; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2019). 93 Mark Joseph P. Santos, Martes sa Escaler II: Talakayan ng mga Mag-aaral ng P.U.P; Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 77 SANTOS naisilang ng klase ni Salazar sa PUP sa loob ng dalawang semestre, na inilathala ng BAKAS. Naganap ang paglulunsad ng mga aklat na ito sa PUP Tahanan ng Alumni noong Disyembre 7, 2019. Isa pang mahalagang pangyayari sa PUP ang pagbibigay niya ng serye ng dalawang lekturang propesoryal sa kasaysayan at arkeolohiya noong Marso 2019. Ang una rito, na ukol sa PP sa harap ng kasalukuyang K-12 na sistemang pang-edukasyon ng bansa,94 ay nilahukan nina Xiao Chua, Wensley Reyes, Mary Jane Rodriguez-Tatel at Myfel Paluga bilang mga reaktor ng panayam. Isa sa mahalagang punto sa panayam na ito ang ibinahagi ni Chua na ang pagpasok ng K-12 sa sistemang pang-edukasyon ay nakatulong sa higit pang pagpapalaganap ng PP. Sa kurikulum ng Humanities and Social Sciences strand (HUMSS) ng Senior High School ay mayroong kursong ang tawag ay Disciplines in the Social Sciences. Isa sa mga paksang pinag-aaralan dito ay ang Agham Panlipunang Pilipino na kinabibilangan ng PP ni Salazar, Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez at Pilipinolohiya ni Prospero Covar. Sina Grace Barretto-Tesoro, Timothy Vitales, Joan Reyes-Hernandez, at Andrea Ragrario naman ang tumayong reaktor sa ikalawang lekturang propesoryal ni Salazar na ukol sa pagsuri sa tatlong artipaktong matatagpuan sa Butuan Heritage Museum.95 Lahat ng ito ay nakatulong sa pag-uugat ng PP sa PUP Departamento ng Kasaysayan, na hindi kalabisang ituring sa kasalukuyan bilang pumapangalawa sa Departamento ng Kasaysayan ng Pamantasang De La Salle sa pagiging tahanan ng PP. MGA KRITIKA SA PANTAYONG PANANAW Kaalinsabay ng pag-unlad ng PP ay ang pagtamo nito ng samu’t saring kritisismo, kapwa konstruktibo at negatibo, mula sa iba’t ibang mga iskolar, na likas lamang na matanggap ng anumang proyektong intelektuwal. Huling bahagi pa lamang ng dekada nobenta ay nagsimula nang magsilitaw ang ilang mga kritisismo sa PP. Marami na ang mga iskolar ang nagsulat ng kanilang mga kritikal na sanaysay ukol sa PP tulad na lamang nina Ma. Serena Diokno,96 Ramon Guillermo,97 Myfel Paluga,98 Portia Reyes,99 Rommel Pilosopiya ng Kasaysayan; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2019). 94 Zeus Salazar, “Ang Pantayong Pananaw (PP) sa K-12: Tungo sa Pinal na Pagbubuo ng Kapilipinuhan,” Bulwagang Bonifacio, PUP Sta. Mesa, Marso 11, 2019. 95 Zeus Salazar, “Preliminaryong Pagsusuri sa Representasyon/Pag-aanyo ng Tatlong Liktao sa Butuan Heritage Museum sa Lungsod Antipolo,” Bulwagang Bonifacio, PUP Sta. Mesa, Marso 18, 2019. 96 Ma. Serena Diokno, “Philippine Nationalist Historiography and the Challenge of the New Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 78 SANTOS Curaming,100 at Lisandro Claudio.101 Dahil dito, ibubuod na lamang nang maikli sa ibaba ang ilang pangunahing kritika nila sa PP. Bagaman may tugon na ang PP sa ilan sa mga puntong ito, hindi na ito isasama sa kasalukuyang papel dahil sa limitasyon sa espasyo. Maikakategorya sa apat ang mga pangunahing kritika sa PP. 1.   Eksklusibista Isa sa mga pangunahing iginigiit ng mga tagapagsulong ng PP ay marapat na isagawa ang akademikong talastasan sa Filipino, tungo sa pagbubuo ng isang diskursong pangkabihasnan. Kaya naman, upang makapasok sa talastasan ng mga nagsusulong ng PP, isa sa mga pangunahing pangangailangan ay ang paggamit ng wikang pambansa. Ito ay itinuturing ng mga kritiko bilang senyales ng pagiging eksklusibista/sarado, kung hindi man pagiging dogmatiko, ng PP. Hinuhusgahan ng mga nasa kampo ng PP ang mga iskolar na iba sa kanila ang pananaw bilang “Inglesero,” “akulturado,” “elitista,” “maka-Kanluran,” “komprador na iskolar,” at iba pang derogatoryong pagbabansag. Nagiging dahilan ito upang mahadlangan ang isang mabungang pag-uusap sa pagitan ng mga nasa loob at labas ng PP. Ang pagbibigay ng restriksyon na tanging ang mga nagsusulat lamang sa Filipino ang tutugunan ng PP ay nagpapakitid din daw ng diskurso sa akademya. Pinupuna rin ng ilang kritiko ang mabilis na paghahanay ng PP sa anumang akdang nasa wikang Ingles bilang “pangkaming pananaw,” isang reaktibong pagsusulat ng kasaysayan na ang kinakausap ay ang mga banyaga. Kahit pa ang mga historyador na may malinaw na maka-Pilipino at maka-masang perkspektiba, tulad ni Teodoro Agoncillo at Renato Constantino, ay inilalagay pa rin ng PP sa ganitong kategorya. Saad ni Moralina, Failure to comply with PP’s own set of parameters would elicit accusations of having ‘pangkaming Paradigm,” Diliman Review 45:2-3 (1997): 8-13. 97 Ramon Guillermo, “Exposition, Critique and New Directions for Pantayong Pananaw,” Kyoto Review of Southeast Asia 3 (March 2003). 98 Myfel Joseph Paluga, “Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP,” Kritika Kultura 13 (2009): 117-127. 99 Portia L. Reyes, “Fighting Over a Nation: Theorizing a Filipino Historiography,” Postcolonial Studies 11:3 (2008): 241-258. 100 Rommel A. Curaming, “Postcolonial Studies and Pantayong Pananaw in Historiography: A Critical Engagement,” Kritika Kultura 27 (2016): 63-91. 101 Lisandro Claudio, “Postcolonial Fissures and the Contingent Nation: An Antinationalist Critique of Philippine Historiography,” Philippine Studies 61:1 (2013): 45-75. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 79 SANTOS pananaw’ which PP immediately dismisses as the wrong way of doing Philippine history . . . Only in a few instances, a consolation ‘proto-pantayo’ is used to refer to a few works, such as Reynaldo Ileto’s exemplary subaltern study Pasyon and Revolution (1979).102 Napansin naman ni Diokno na tila mas nakatuon ang PP sa porma kaysa sa nilalaman.103 Para sa kanya, higit sa wika kung saan nakasulat ang isang akda, dapat na bigyang pagpapahalaga ng PP kung ang nilalaman ba nito ay nakakatulong sa bayan. 2.   Natibista Mayroong tendensya ang PP na maging mapaghinala sa anumang pagteteorisa na ang balangkas na ginagamit ay nagmula sa Kanluran. Matibay ang distinksyon ng PP sa pagitan ng sarili at iba, Pilipino at banyaga. Binabasa ito ng mga kritiko bilang porma ng natibismo o hindi kritikal na pagbibigay prayoridad sa anumang nagmumula sa loob, laban sa mga ideya o elementong tinuturing na banyaga. Isang paboritong bansag ng panganganti ni Salazar sa mga gumagamit ng mga Kanluraning teorya ay “pospos” (bagaman ang orihinal na reperensya nito ay ang tendensya ng mga Europeo at Amerikanong pantas na lakipan ng “post” sa unahan ang mga teorya/kilusan tulad sa kaso ng post-istrukturalismo, postmodernismo, at postkolonyalismo, ang bansag na “pospos” ay mas maluwag na ginagamit sa sinumang nahumaling sa mga Euro-Amerikanong pagteteorisa). Kritikal din ang PP sa mga banyagang pantas na nagsusulat ukol sa Pilipinas (pangkaraniwang puntirya nito lalo na ang mga Amerikanong iskolar). Mangyari pa, higit sa dikotomiyang ginawa ni Ileto sa pagitan ng mga Pilipinong pantas sa isang panig at mga banyagang pantas sa kabila (na pinuna niya bilang nagtataglay ng pananaw na mapangmaliit sa mga Pilipino at nagbibigay lohika sa imperyalismong Amerikano104), nagsasagawa ng dikotomiya ang PP sa pagitan ng mga Pilipinong pantas na nasa Pilipinas, at mga Pilipinong pantas na naka-base sa ibang bansa. Ang huli ay kolektibong itinuturing ni Salazar bilang mga “komprador na iskolar.” Sa mainit na palitan Aaron Rom O. Moralina, “Short Notations and Reflections on Pantayong Pananaw,” Kritika Kultura 13 (2009), pah. 131-132. 103 Ma. Serena Diokno, “Philippine Nationalist Historiography and the Challenge of the New Paradigm,” Diliman Review 45:2-3 (1997): 8-13. 104 Reynaldo Ileto, “Orientalism and the Study of Philippine Politics,” Philippine Political Science Journal 22 (2001): 1-32. 102 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 80 SANTOS sa pagitan ni Salazar at Patricio Abinales, ganito inilarawan ng una ang “komprador na iskolar”: Hukbo ng mga komprador na iskolar na nagbebenta ng datos mulang Pilipinas patungong Hapon at iba pang Kanluraning bansa, at gayundin, papabalik sa Pinas, nagbabalik upang magbenta ng mga teorya sa mga kapwa Inglesero. Isang uri ng buy-an-sell iyan na matagal nang bistado ng Bayan . . . Hindi ba lengguwahe ninyo ang komprador kapitalismo? Mayroon ding mga komprador na iskolar. Ang tinutukoy ko ay ang iyong pagbebenta mo ng sarili bilang iskolar ng at tungkol sa Pilipinas sa isang banyagang kapangyarihan na isa rin sa mga nagsasamantala sa Pinas at naging kolonisador din nito. At halos lahat ng sinusulat mo tungkol sa Pinas ay upang alipustahin ang kalagayan nito, sa halip na matulungan mo na makaahon sa kanyang kalagayan, sa kanyang pagkalugmok . . . Alam ko, hindi mo itinuturing ang sarili bilang Pilipino, kaya pulos pang-aalipusta ng kalagayan ng bansa ang ipinagbibili mo sa mga Hapon at Amerikano – sa wika nitong huli.105 Sa isang akdang mas maaga kaysa sa palitan na ito, nagbigay pahayag na si Abinales ukol sa elitistang asal umano ng tinawag niyang “UP Intellectuals” na i-marhinalisa ang mga pantas na nasa labas ng UP, lalo na ang mga nasa ibang bansa. Tumugon siya sa pamamagitan ng pagsasaad na kung tutuusin ay mas mayabong pa nga ang intelektuwal na produksyon ng mga Pilipinong iskolar na nasa ibang bansa kaysa sa ilang nasa loob ng UP (na maipaliliwanag ng malaking pagkakaiba sa pagitan ng suportang pinansyal ng mga unibersidad sa Pilipinas at ng mga unibersidad sa ibang bansa).106 Dinagdagan ni Claudio ang kritisismo sa posisyong ito ni Salazar sa pamamagitan ng pahayag na ang dapat maging batayan ng pagiging katanggap-tanggap ng isang kaalaman ay ang empirikal na balidasyon nito, sa halip na husgahan ang kaalaman dahil “Ang Akademikong Debate/Talastasan ng Dekada,” p. 22, 24. Isang di-nakalathalang dokumento na tinipon at isinaayos ni Prop. Michael Charleston Chua. Naganap ang mahabang sagutang ito sa facebook ni Abinales at Salazar, kasama ang iba pang tagapagsulong ng PP, noong Hulyo 2010. 106 Patricio Abinales, The Joys of Dislocation: Mindanao, Nation, and Region (Pasig: Anvil Publishing Inc., 2008), pah. 93-95. 105 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 81 SANTOS lamang sa pinagmulan nito (na banyaga o Pilipinong nasa banyagang bansa).107 Para naman kay Caroline Hau, ang dikotomiya sa pagitan ng banyaga at Pilipino, gayundin sa pagitan ng Pilipino sa Pilipinas at Pilipino sa ibang bansa, ay hindi na maaaring ituring bilang ganap o matibay na kategorisasyon. Dulot umano ito ng katotohanan ng globalisasyon, malawakang migrasyon, at malaking bilang ng mga Pilipinong nasa “diaspora.” Sa ganang ito, nananawagan siya para sa isang uri ng talastasan na lagpas sa makitid na hangganan ng nasyon, isang talastasang tumatagos at nagtatagpi-tagpi sa lokal, nasyunal, at rehiyunal, tungo sa pagbuo ng mapagpalayang produksyon ng kaalaman na nag-aambag sa pandaigdigang kaalaman.108 3.   Esensyalista Isang sandigan ng natibistang lapit ni Salazar, sa paningin ng mga kritiko, ay ang kanyang pagiging esensyalista, na tumutukoy sa paniniwala niya na may umiiral na isang buong kakanyahang Pilipino na nakaugat sa kalinangang Austronesyano. Ang ganitong paninindigan ang sanhi kung bakit nakakapagsagawa siya ng dikotomiya sa pagitan ng Pilipino at banyaga, Kanluraning kultura at kalinangang bayan, sarili at iba. Naisasakatuparan niya ang pag-ugat sa mga dalumat pangkalinangan ng mga Pilipino sa nakaraang Austronesyano sa pamamagitan ng paggamit ng historikal na lingguwistika, tulad ng etimolohikal na pagsusuri sa mga salitang bayani, ginhawa, himagsikan, banwa, at iba pang kaugnay na mga dalumat na mababasa sa kanyang mga akda. Samu’t saring puna mula sa iba’t ibang direksyon ang ibinabato sa ganitong pananaw ni Salazar. Sa pagsusuri ni Guillermo sa isang akda ni Salazar ukol sa pagkakaiba ng Pilipinong “himagsikan” at Kastilang “rebolusyon,”109 iginiit niya na problematiko ang metodo ni Salazar dahil sa dalawang pangunahing punto. Una, hindi permanente ang mga kahulugang nakapaloob sa isang salita, nagbabago ang pagpapakahulugan dito ng isang lipunan sa agos ng kasaysayan. Ikalawa, tendensya ng isang lipunang nanghihiram ng mga salita na malimutan ang orihinal na kahulugan ng mga salitang hiniram sa konteksto Claudio, op cit, pah. 87. Caroline Hau, “Privileging Roots and Routes: Filipino Intellectuals and the Contest over Epistemic Power and Authority,” Philippine Studies 62:1 (March 2014): 52-56. 109 Zeus Salazar, Wika ng Himagsikan Lengguwahe ng Rebolusyon (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999). 107 108 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 82 ng pinagmulang lipunan. Dulot nito, hindi umano maipagpapalagay na nananatiling magkaiba ang pagpapakahulugan ng mga Pilipino noong ikalabingsiyam na dantaon sa himagsikan at rebolusyon, yamang mahirap maestablisa kung nanatili pa rin ba sa terminong himagsikan ang Austronesyanong kahulugan nito sa isang banda, at kung nakakabit pa rin ba sa rebolusyon ang orihinal na Kastilang pagpapakahulugan sa revolucion sa kabilang banda. Kaya naman hindi sapat, dagdag pa ni Guillermo, ang etimolohikal na pagsusuri sa mga dalumat tulad ng himagsikan at rebolusyon gamit lamang ang mga diksyunaryo. Aniya, mas magiging mabunga ang pagaaral sa ganitong mga konsepto kung titingnan ang aktuwal na pagkakagamit ng mga salita sa mga teksto mula sa magkakaibang yugto ng kasaysayan. Sa pamamagitan nito ay malalaman kung talaga bang iba ang pagpapakahulugan ng bayan sa himagsikan sa isang banda, sa pagkakaunawa ng mga Pilipinong elit sa rebolusyon sa kabilang banda.110 Kritikal ang punang ito ni Guillermo, dahil maaari itong batakin at ilapat sa iba pang dikotomiya ni Salazar tulad sa kaso ng bayani at heroe.111 Sa harayang talastasan sa pagitan ng Postcolonialism (PC) at PP na isinagawa ni Curaming, inilahad niya na isa sa siguradong pupunahin ng PC ay ang esensyalistang pagtingin ni Salazar sa kultura. Para sa mga antiesensyalistang palaisip ng PC, ang kultura ay dinamiko. Mahirap umanong paniwalaan ang pananatili ng kulturang Austronesyano ng mga Pilipino kung ikokonsidera ang ilang siglong kolonisasyon ng bansa. Dahil sa matagal na panahon ng pananakop, tiyak na malaki ang naging impluwensya ng Kanluraning kultura maging sa ipinagpapalagay ni Salazar na mayorya ng mga Pilipinong nananatiling katutubo ang wikang sinasalita. Kailangan ding ikonsidera ang epekto ng globalisasyon sa kalinangang Pilipino sa nakaraang mga dekada, gayundin ang malawakang migrasyon ng mga Pilipino sa ibang bansa.112 Sa ganang kay Guillermo, kailangan pa ng aktuwal na mga pananaliksik sa larangan upang mapatunayan kung totoo ba ang paninindigan ni Salazar na may ilang aspekto ng kulturang Pilipino na nakaugat pa rin sa kalinangang Austronesyano at nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyan.113 Ramon Guillermo, “Pantayong Pananaw and the History of Philippine Political Concepts,” Kritika Kultura 13 (2009): 107-116. 111 Para rito, tingnan ang Arvin Lloyd Pingul, et al, mga pat., Pamana ng Ika-19 na Dantaon: Pagtatakdang Pangkasaysayan. Bayani at Heroe sa Pagbubuo ng Bansa (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2017), partikular na ang sanaysay ni Salazar na “Ang Austronesyanong *baRani hanggang sa ‘Bagong Bayani’ sa Kasalukuyang Hugis ng Kapilipinuhan,” pah. 452-480. 112 Curaming, op cit, pah. 75. 113 Ramon Guillermo, “Exposition, Critique and New Directions for Pantayong Pananaw,” Kyoto Review of Southeast Asia 3 (March 2003). 110 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 83 SANTOS Kaugnay nito, binibigyang kritisismo rin ang paggigiit ng PP sa paggamit ng Filipino upang mapayabong ang iisa at buong kakanyahan ng Kapilipinuhan. Ang pagkakabatay sa Tagalog ng wikang pambansa ay itinuturong kahinaan ng posisyong ito. Para sa ilan, manipestasyon lamang ng imperyalismong Maynila ang ganitong paggigiit, at nagsisilbing porma ng opresyon sa ibang pangkat etniko ng bansa. Sa ganitong pagtingin, naipagpapalagay ng ilan na elitista ang PP na minamarhinalisa ang iba pang mga wika sa Pilipinas. 4.   Pasista Ang maituturing na isa sa pinaka mabigat na paratang sa PP ay ang tendensya nito na magbigay lehitimasyon sa pasismo. Sinalungguhitan ni Claudio na napapalabnaw ng nasyonalistang historiograpiya ang panunuring panlipunan, partikular na ang pag-analisa sa tunggalian ng mga uri. Dahil umano sa masyadong pagtuon ng mga nasyonalistang tulad nina Salazar at Ileto sa pagbubuo ng bansa, napagtatakpan ang iba pang pang-aapi na isinasagawa mismo ng ilang Pilipino sa mga kapwa nila Pilipino. Simptomatiko umano ng ganitong tendensya ang pahayag ni Salazar kay Abinales sa isang mainit na palitan sa facebook, kung saan ganito ang naging tugon ng una nang sabihin ng ikalawa na pabor siya sa paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas: Nasa panig ako ng pagbubuo ng Bansa, isagawa man ito ni Marcos, ni Estrada, o kahit na ni P’noy. Kalaban ninyo ako at ako ang may karapatan na husgahan kayo sa ngalan ng Bansa.114 Para kay Claudio, ang uni-direksyunal na tuon ni Salazar sa pagbubuo ng bayan ang dahilan kung bakit pumayag siya na maging instrumento ng diktador na si Marcos sa pagsusulat ng proyektong Tadhana, gayundin ang kanyang pagsulat ng talambuhay ng mandarambong na si Estrada.115 Indikasyon daw ito ng tendensya ng PP na magbulag-bulagan sa mga panloob na pang-aapi at mga tunggaliang nangyayari sa bansa, sa ngalan ng pagbubuo nito. Sa isang komentaryo ni Abinales ukol sa mga manunulat ng Tadhana, 114 “Ang Akademikong Debate/Talastasan ng Dekada,” pah. 32. Isang di-nakalathalang dokumento. 115 Lisandro Claudio, “Postcolonial Fissures and the Contingent Nation: An Antinationalist Critique of Philippine Historiography,” Philippine Studies 61:1 (2013): 80. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 84 SANTOS ipinahayag niya na nakakapangilabot isipin ang mga historyador na patuloy na nagsusulat ng kasaysayan sa kanilang opisina, habang isinasagawa ng kanilang pinaglilingkurang pinuno ang pagnanakaw, pagpapahirap, at pagpatay sa napakaraming mga Pilipino. Pinaka mainam na halimbawa aniya ito ng isang pantas na nasa toreng garing. Hindi lang sila naging pasibong tagapagmasid, sinalungguhitan ni Abinales na naging instrumento mismo sila upang mabigyan ng pangkasaysayang lehitimasyon ang pasistang estado ni Marcos.116 Problematiko rin para sa mga kritiko ang kawalan ng pulitikal na tindig ng PP.117 Ang PP ay isang proyektong kultural, na ang layunin ay bumuo ng isang diskursong pangkabihasnan na nasa wikang Filipino, upang magkaroon ng isang buong talastasan ang buong bansa. Limitado ang aspirasyon nito sa pagbibigay-boses sa bayan sa pamamagitan ng pagbuwag sa dambuhalang pagkakahating pangkalinangan na nagpapanatili ng kapangyarihan sa iilang Kanluraning elit. Ngunit wala itong malinaw na pulitikal na tunguhin, o kung anong konkretong kaayusan ng lipunan ang nais na buuin. Sa wika ni Rhommel Hernandez, Hindi naghahangad ng kapangyarihan ang PP. Hangarin lamang nitong maging makapangyarihan ang kalinangang Pilipino na sana nga’y maging kabihasnan. Hindi nito ninanais na magtayo ng estado kundi pinag-aaralan lamang nito ang mga uri ng estadong sumilang at lumaganap sa sangkapilipinuhan. Hindi nito kinikilala ang sarili bilang tagapagligtas at tagapaglutas ng mga suliranin ng Pilipinas.118 Ito ay nangangahulugan na bukas ang PP sa anumang ideya, tunguhin, at kaayusan hanggat binibigyan ito ng basbas ng bayan. Kung kapitalismo, komunismo, o diktaduryan man, ang bayan na ang bahalang mamili. Walang preskripsyon ang PP sa anyong pampulitika na dapat suotin ng bayan. Patricio Abinales, “Historians and the distortions of ‘that Martial Law thingy,’” Rappler, June 11, 2016. 117 Para sa paksang ito, tingnan ang Nancy Kimuell-Gabriel, “Ang Pantayong Pananaw at ang Usapin ng Agenda sa Harap ng Iba’t Ibang Kilusang Pang-Akademiko at Sosyo-Pulitikal,” Kalatas 1:1 (2017): 32-47. 118 Jose Rhommel B. Hernandez, “Ang Pandaigdigang Pananaw ng Pantayong Pananaw,” Kritika Kultura 13 (2009): 143. 116 Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. 85 SANTOS Problematiko ang ganitong kalikasan ng PP para sa mga kritiko dahil sa tatlong dahilan. Una, ani ni Guillermo, isang masalimuot na gawain ang pagsagot sa tanong na “paano ba malalaman ang pasya ng bayan?” Aniya, ang nosyon ni Salazar ng isang bayang nagdedesisyon sa sarili nito ay hindi tumutugon sa reyalidad na maraming mga salik, puwersa at institusyon sa labas nito na nakakaapekto sa mga desisyong isinasagawa ng bayan. Ika niya, Ang aktitud ni Salazar na hintayin lamang ang kapasyahan ng ‘Bayan’ at sumunod ditto pagkaraan ay implisitong naniniwala na walang alinmang institusyon o pwersang panlipunan na nagkakaroon ng papel sa pagkakabuo ng alinmang kapasyahan ng ‘Bayan.’ Maging ang isang intelektuwal tulad niya ay itinuturing niyang walang anumang magagawa sa paghuhubog ng kapasyahan nito. Ngunit para sa ano at para kanino sa gayon ang sinulat niyang mga libro at monograpo kung wala siyang nais maimpluwensyahan na opinyon?119 Ikalawa, dahil sa pagiging bukas ng PP sa anumang pulitikal na direksyon, maaari itong angkinin ng pasismo. Dahil sa diin nito sa nasyonalismo, kaya itong kasangkapin ng anumang pasistang estado na ipinangangalandakan ang sarili bilang tagapagbuo ng bansa. Nakaugnay ang ikatlo sa ikalawang dahilan. Dagdag na kumplikasyon dito ang pagiging kritikal ni Salazar at ilang tagapagsulong ng PP sa Marxismo. Matayog ang paninindigan ni Salazar na hindi pa naaangkin ang Marxismo ng kalinangang Pilipino, at nananatili pa rin itong Kanluraning teorya na nakalutang sa taas ng lipunang Pilipino. Isang ilustrasyon ng ganitong pananaw ni Salazar ang pagsasalin niya ng Manifesto ng Partido Komunista, kung saan iginiit niya na hindi kasalin-salin ang Marxismo sa Pilipinas.120 Para sa mga kritiko ng PP, kapwa ang diin ni Salazar sa pagbubuo ng bayan at pagkakaroon ng anti-Marxistang sentimiyento ay makakapagpahina sa mga progresibong kilusan at makakapagpalakas naman sa mga represibong estadong nagbabalat-kayo bilang tagapangalaga ng bayan. 119 Ramon Guillermo, Pook at Paninindigan: Kritika ng Pantayong Pananaw (Quezon City: University of the Philippines Press, 2009), pah. 127. 120 Karl Marx at Friedrich Engels, Manifesto ng Partido Komunista ng Pilipinas, salin ni Zeus Salazar (Lunsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2000). Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 86 Bibliograpiya: Abinales, Patricio N. The Joys of Dislocation: Mindanao, Nation, and Region. Pasig. Anvil Publishing Inc. 2008. ________. “Historians and the distortions of ‘that Martial Law thingy.’” Rappler. June 11, 2016. Abrera, María Bernadette L., Dedina A. Lapar. mga pat. Paksa, Paraan at Pananaw sa Kasaysayan: Ulat ng Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino, 27 March - 1 April 1989. Lunsod Quezon. Departamento ng Kasaysayan. Unibersidad ng Pilipinas. 1993. Alaras, Consolacion R. Pamathalaan: Ang Pagbubukas sa Tipan ng Mahal na Ina. Kolonya. Bahay-Saliksikan sa Kasaysayan. 1988. Alatas, Syed Farid. Alternative Discourses in Asian Social Science: Responses to Eurocentrism. India. Sage Publications Pvt Ltd. 2006. Aquino, Clemen. “Panlipunang Pagbabanghay: Piling Usapin sa Pag-unawa sa Sariling Lipunan.” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino 19:2 (2013). Asumbrado, Alexander P., Paula Louise L. Monilla, Aira Lei L. Nunag, Audrey Stephanie L. Quibot. Mga Pat. Ang Pilosopiya ng Kasaysayang Rehiyunal; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Quezon City. Bagong Kasaysayan. 2019. Atienza, John Adrianfer, Danica Dela Paz, Joce Anne Magpayo, Argen Rivas. Mga Pat. Loob: Ang Saklaw ng Kasaysayan ng Bansa; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Quezon City. Bagong Kasaysayan, 2019. Atienza, Adrianfer, Danica Dela Paz, Nikko Jay Ramos, Argen Rivas. Mga Pat. Kasaysayan ng PUP; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Quezon City. Bagong Kasaysayan. 2019. Bastide, Roger. The African Religions of Brazil: Toward a Sociology of the Interpenetration of Civilizations. Maryland. John Hopkins University Press. 1978. Bautista, Violeta V., Rogelia Pe-Pua. mga pat. Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya at Pananaliksik. Maynila. Kalikasan Press. 1991. Chua, Michael Charleston B. “Ang Dapat na Tadhana ng Tadhana: Isang Muling Sulyap sa Pamana ng Intelektwal na Produksyon ng Diktadurang Marcos ukol sa 17-18 Siglo.” Panunuring-aklat sa klase ni Vicente Villan na Kasaysayan 203. Unang Semestre. 2010-2011. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 87 ________. “Saysay ng sariling kasaysayan: Ang Ambag ni Zeus Salazar sa Bayan.” GMA News. Enero 8, 2018. ________. “Mga Maling Akala ukol sa Pantayong Pananaw.” Abante. Mayo 4, 2019. Claudio, Lisandro. “Postcolonial Fissures and the Contingent Nation: An Antinationalist Critique of Philippine Historiography.” Philippine Studies 61:1 (2013): 45-75. Covar, Prospero. Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture. Metro Manila. National Commission for Culture and the Arts. 1998. Curaming, Rommel. “Filipinos as Malay.” Nasa Maznah Mohamad, Syed Muhd Khairudin Aljunied. mga pat. Melayu: The Politics, Poetics and Paradoxes of Malayness. Singapore. NUS Press. 2011. Curaming, Rommel A. When Clio Meets the Titans: Rethinking State-Historian Relations in Indonesia and the Philippines. PhD Dissertation. Australian National University. 2006. ________. “Postcolonial Studies and Pantayong Pananaw in Historiography: A Critical Engagement.” Kritika Kultura 27 (2016): 63-91. Danica Dela Paz, Jomarie Ecleo, Jeremiah Montejo, Nikko Jay Ramos at Argen Rivas, mga patnugot, Metodolohiyang Pangkasaysayan; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Quezon City. Bagong Kasaysayan. 2019. Diokno, Ma. Serena. “Philippine Nationalist Historiography and the Challenge of the New Paradigm.” Diliman Review 45:2-3 (1997): 8-13. Flores, Ma. Crisanta. Ideolohiyang Anacbanua: Pagtatakda ng Baley/Sentro ng Doxa at Kamalayang Makabansa sa Kasaysayan at Panitikan ng Pangasinan. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2006. Guillermo, Ramon. Pook at paninindigan sa pagpapakahulugan: pag-uugat ng talastasang sosyalista sa kalinangang bayan. MA Thesis. University of the Philippines. 1999. ________. “Exposition, Critique and New Directions for Pantayong Pananaw.” Kyoto Review of Southeast Asia 3 (March 2003). ________. Pook at Paninindigan: Kritika ng Pantayong Pananaw. Quezon City. University of the Philippines Press. 2009. ________. “Pantayong Pananaw and the History of Philippine Political Concepts.” Kritika Kultura 13 (2009): 107-116. ________. “Notes on Zeus Salazar’s Filipino Translation of The Communist Manifesto.” Nasa Teresa S. Encarnacion Tadem, Laura L. Samson, mga pat. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 88 Marxism in the Philippines: Continuing Engagements. Mandaluyong: Anvil Publishing Inc. 2010. ________. “Pantayong Pananaw and the History of Philippine Political Concepts.” Kritika Kultura 13 (2009): 107-116. Hau, Caroline. “Privileging Roots and Routes: Filipino Intellectuals and the Contest over Epistemic Power and Authority.” Philippine Studies 62:1 (March 2014): 52-56. Hernandez, Jose Rhommel B. “Ang Pandaigdigang Pananaw ng Pantayong Pananaw.” Kritika Kultura 13 (2009): 136-144. Ileto, Reynaldo. “Orientalism and the Study of Philippine Politics.” Philippine Political Science Journal 22 (2001): 1-32. Isorena, Efren. Ang Sakayan sa Pagbubuo ng Banua: Pandan, 1174-1948. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2006. Jens, Walter. Pagguho ng Troya. Salin ni Zeus Salazar. Maynila. Kalikasan Press. 1989. Jose, Mary Dorothy dL., Atoy Navarro. mga pat. Kababaihan sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino. Lunsod Quezon. C&E Publishing Inc. 2010. Kimuell-Gabriel, Nancy. Ang Timawa sa Kasaysayang Pilipino. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1999. ________. “Ang Pantayong Pananaw at ang Usapin ng Agenda sa Harap ng Iba’t Ibang Kilusang Pang-Akademiko at Sosyo-Pulitikal.” Kalatas 1:1 (2017): 32-47. Marx, Karl, Friedrich Engels. Manifesto ng Partido Komunista ng Pilipinas. Salin ni Zeus Salazar. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2000. Mendoza, S. Lily. Between the Home and the Diaspora: The Politics of Theorizing Filipino and Filipino American Identities. A Second Look at the Poststructuralism-Indigenization Debates. New York. Routledge. 2002. Moralina, Aaron Rom O. “Short Notations and Reflections on Pantayong Pananaw.” Kritika Kultura 13 (2009): 128-135. Navarro, Atoy. Ang Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalikasan, Kaparaanan, Pagsasakasaysayan. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2000. ________. “Ama ng Sikolohiyang Pilipino: Buhay at Kontribusyon ni Virgilio G. Enriquez.” Diwa E-Journal 1:1 (Nobyembre 2013): 241-248. Navarro, Alejandro, Wilfredo Sarino, Wilfredo Reyes, Daniel Agoncillo, Nelson Molina, Cristina Sionosa, Juan Miguel Padua. “Ang Pantayong Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 89 Pananaw Noong 1983.” Papel na inihanda para sa klase ni Zeus Salazar ng Kasaysayan 199, U.P. Diliman, 1983. Navarro, Atoy M. Will P. Ortiz, Mary Jane B. Rodriquez-Tatel. Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan, at Sining. Lunsod Quezon. C&E Publishing Inc. 2011. Navarro Atoy, Ma. Florina Y Orillos-Juan. mga pat., Kasaysayang Pampook: Pananaw, Pananaliksik, at Pagtuturo. Lunsod Quezon. Limbagang Pangkasaysayan. 2012. Navarro, Atoy M., Flordeliza Lagbao-Bolante. mga pat. Mga Babasahin sa Agham Panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw. Lunsod Quezon. C&E Publishing Inc. 2007. Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, Vicente Villan. mga pat. Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan. Pambungad na Pag-aaral sa Bagong Kasaysayan. Lunsod Quezon. Palimbagan ng Lahi. 1997. ________. Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan. Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2015. Ocampo, Nilo S. Katutubo, Muslim, Kristiyano: Palawan 1621-1901. Kolonya. Bahay-Saliksikan sa Kasaysayan. 1985. Paluga, Myfel Joseph. ‘Araw’ at ‘Gahum’ ng New Israel sa Mindanaw: Isang Pagaaral sa Sekta ng Moncado Alpha and Omega sa Perspektibang HistorikoKultural. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2000. ________. “Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP.” Kritika Kultura 13 (2009): 117-127. Peñalosa Ma. Carmen V., Zeus A. Salazar. Mga Pat. Pagkabuo ng Bayan (15881913): Ikalawang Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan. Quezon City. Bagong Kasaysayan. 2014. ________. Pantayong Pananaw: Bagong Historiograpiyang Pilipino, Bagong Balangkas ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan. Araling K to 12 sa Powerpoint. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2018. Pingul, Arvin Lloyd, Reymar Tecson Yson, Jose Mario De Vega. mga pat. Talastasang BAKAS sa Facebook; Ang Monumento at ang Torre: Pagtatakda sa Luneta. Hiraya ng "Knights" at Pasiya Ng Bayan. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2015. Pingul, Arvin Lloyd, Jose Mario De Vega, Trixie Cariño. mga pat. Pamana ng Ika-19 na Dantaon: Pagtatakdang Pangkasaysayan. Bayani at Heroe sa Pagbubuo ng Bansa. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2017. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 90 Quibuyen, Floro C. A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism. Quezon City. Ateneo de Manila University Press. 1999. Ramos, Nikko Jay B. Jvel P. Atayde, Razziline A. Barlaan, Mary-Dianne A. Hernan. Mga Pat. Ang Pilosopiya ng Kasaysayang Pandaigdig; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Quezon City. Bagong Kasaysayan. 2019. Reyes, Portia Liongson. Ang Himagsikang Pilipino sa mga Pahayagang Aleman. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1999. ________. Pantayong Pananaw and Bagong Kasaysayan in the New Filipino Historiography. A History of Filipino Historiography as an History of Ideas. PhD Dissertation. Bremen University. 2002. ________. Panahon at Pagsasalaysay ni Pedro Paterno, 1858–1911: Isang Pagaaral sa Intelektwalismo. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2011. ________. “Fighting Over a Nation: Theorizing a Filipino Historiography.” Postcolonial Studies 11:3 (2008): 241-258. ________. pat. Towards a Filipino History: A Festschrift for Zeus Salazar. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2015. Rodriguez, Mary Jane. Ang Kababaihan sa Himagsikang Pilipino. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1999. ________. Ang Dalumat ng Bayan sa Kamalayan at Kasaysayang Pilipino. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2006. Salazar, Marlies S. Perspectives on Philippine Languages: Five Centuries of European Scholarship. Lunsod Quezon. Ateneo de Manila University Press. 2014. Salazar, Zeus A. pat. Ang Kasaysayan: Diwa at Lawak. Lunsod Quezon. Limbagan ng Unibersidad ng Pilipinas. 1974. ________. pat. The Ethnic Dimension: Papers on Philippine Culture, History and Psychology. Kolonya. Counseling Center for Filipinos. 1983. ________. “Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag.” Philippine Currents IV:9 (September 1989). ________. Jaime Veneracion, Wilfredo Tamayo, Elizabeth Pastores. Kabihasnang Asyano: Isang Pangkasaysayang Introduksyon. Mandaluyong. Cacho Publishing House Inc. 1990. ________. Ang P/Filipino sa Agham Panlipunan at Pilosopiya. Maynila: Kalikasan Press. 1991. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 91 ________. Si Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1997. ________. Ang ‘Real’ ni Bonifacio bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1997. ________. Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1998. ________. Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1999. ________. Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1999. ________. Wika ng Himagsikan Lengguwahe ng Rebolusyon. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 1999. ________. Mga Tula ng Pag-iral at Pakikibaka. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2001. ________. Liktao at Epiko: Ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan, Camarines Sur. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2004. ________. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2004. ________. Sikolohiyang Panlipunan-at-Kalinangan: Panimulang Pagbabalangkas ng Isang Larangan. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2004. ________. Pangulong ERAP: Biograpiyang Sosyo-Pulitikal at Pangkalinangan ni Joseph Ejercito Estrada. Tomo 1. Pinunong Bayan: Tungo sa Hamon ng EDSA II. San Juan. RPG Foundation Inc. 2005. ________. Ang Pilipinong Banua/Banwa sa Mundong Melano-Polynesiano. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2006. ________. Atoy Navarro, Lars Ubaldo, Sharon Maminta. Asya: Kasaysayan at Kabihasnan. Lunsod Quezon. Abiva Publishing House Inc. 2010. ________. Carmen Peñalosa. mga pat. Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna. Lunsod Quezon at Laguna. Bagong Kasaysayan at Pila Historical Society Foundation Inc. 2013. ________. “Pantayong Pananaw como Discurso Civilizacional.” Isinalin ni Isaac Donoso. Revista Filipina 2:2 (2015): 5-22. Santos, Mark Joseph, Axle Christien J. Tugano. Mga Pat. Martes sa Escaler; Pilosopiya ng Kasaysayan. Lunsod Quezon. Bagong Kasaysayan. 2019. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92. SANTOS 92 Santos, Mark Joseph P. Pat. Martes sa Escaler II: Talakayan ng mga Mag-aaral sa PUP; Pilosopiya ng Kasaysayan; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Quezon City. Bagong Kasaysayan. 2019. Soledad, Rizza Mae Zairylle Joice Garcia, Reign Narish Pedriña, Krizia Rodriguez. Mga Pat. Pilosopiya ng Kasaysayang Pambansa; Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Quezon City. Bagong Kasaysayan. 2019. Spengler, Oswald. The Decline of the West. Munich. C.H. Beck’sche Verlagsbuchhandlung. 1922. Veneracion, Jaime. Kasaysayan ng Bulakan. Kolonya. Bahay-Saliksikan sa Kasaysayan. 1986. Santos, Mark Joseph P. “Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.” TALA 2, no. 2 (December 2019): 46-92.