Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):31-118 (2020)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi pasibong tinanggap ng mga katutubo ang ipinakikilalang dogma, inangkop nila sa kanilang kinabihasnang kultura ang pagtanggap sa Kristiyanismo. Makikita ang ganitong pag-angkop sa sistema ng paniniwala; iba’t ibang tradisyon; at konsepto ng mga bagay-bagay. Ipinamalas din nila ang bersiyon ng pagsasama o sinkretismo sa sining ng arkitektura na makikita sa mga imprastraktura katulad ng cementerio. Isa ang Nagcarlan Underground Cemetery (NUC) ng Nagcarlan, Laguna sa mga tinitingnan bilang halimbawa ng isang magandang cementerio sa Pilipinas na tumutugon sa pamantayang binanggit sa itaas. Sa kabila ng imprastraktura at arkitekturang banyaga nito, mababakas pa rin ang patuloy na pagdaloy ng mga elementong pangkalinangan ng mga katutubo sa pamamagitan ng mga simbolong nakamarka at makikita sa kabuuan ng libingan. Dahil sa kulang at walang sapat na dokumentong naglalahad sa kasaysayan, ang dahilan kung bakit ilalatag at tatangkain sa pag-aaral na ito ang posibleng pagbubuo sa mga esensiyang bumabalot sa kabuuan ng sementeryo – mula sa kung sino ang gumawa, hanggang sa pagtukoy ng mga motibasyon at posibleng pagpapakahulugan sa lahat ng ito. Kung kaya’t itinatampok sa papel na ito ang paraan ng pagtukoy sa mga simbolo at interpretasyon bilang metodolohiya. Tatlong bagay ang tinitingnan sa pag-aaral: (1) posibleng katutubo ang mga simbolo na makikita sa libingan na nailalarawan ng mga kosmolohiya at penomenong bumabalot dito; (2) ang posibleng impluwensiya ng ibang kultura sa pagbubuo ng libingan; at (3) posibleng talaban ng dalawang magkaibang kultura sa pagbubuo ng sementeryo.

Other Versions

No versions found

Links

PhilArchive

External links

  • This entry has no external links. Add one.
Setup an account with your affiliations in order to access resources via your University's proxy server

Through your library

Similar books and articles

Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo.Liza Jane V. Tabalan - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75.
Ang Konseptong AIDA sa mga Kwentong Jollibee 2016-2022.Sheryl T. Milan - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):270-290.
Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.

Analytics

Added to PP
2021-07-24

Downloads
1,570 (#8,344)

6 months
211 (#12,709)

Historical graph of downloads
How can I increase my downloads?

Author's Profile

Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños

Citations of this work

No citations found.

Add more citations

References found in this work

Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas.Axle Christien Tugano - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (1):66-83.

Add more references