Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...) teksbuk at akdang pangkasaysayan, bilang tagapagtawid ng mga diskurso ukol sa 1872 mula sa mga prominenteng historyador tungo sa mas malawak na bilang ng mga mambabasa. Sa huli, nahinuha mula sa mga talakayan na ang samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay sa 1872 bilang teksto ay nahuhulma ng mga balangkas at pananaw historiograpikal na kinapapalooban ng bawat historyador bilang mambabasa ng teksto. (shrink)
Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang signature (...) style sa pagtuturo ni Salazar mula pa noong dekada 1970. Mababanggit din ang kinagawian niyang pagdaragdag ng oras labas sa opisyal na oras ng klase upang magpalalim ng mga paksang inaral sa loob nito, kung hindi man sa mga kapihang matatagpuan sa kaligiran ng U.P. Campus kung saan siya nagturo nang may 40 taon, at sa Bahay Gomburza mismo, ang dating tahanan ni Salazar. (shrink)
Dalawa sa mga hibla ng Pilosopiyang Filipino ay patungkol sa paggamit ng banyagang pilosopiya at pamimilosopiya sa wikang Filipino. Makatutulong ang dalawang ito tungo sa pagsasalin ng mga banyagang kaisipan sa talastasang bayan. Ang dalawang hiblang ito ang nais na ambagan ng kasalukuyang sanaysay, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rebyu sa isang halimbawa ng anime/manga na Hapon: ang Attack on Titan (AOT) ni Hajime Isayama. Gagamitin sa pagbasa ng AOT ang mga pilosopikal na pananaw ng ilang Aleman/Austrianong pilosoper/sikolohista na sina (...) Sigmund Freud, Erich Fromm, Carl Schmitt, at Friedrich Nietzsche. Sa pagbasang ito sa pamamagitan ng apat na banyagang palaisip, tututukan ang tema ng kalayaan at digmaan. Liban dito, maglalatag din ng pagmumuni-muni ukol sa paksa ng pananangkapan sa kasaysayan bilang sandatang pulitikal, isang temang lantad na lantad rin sa AOT. Ang lahat ng ito ay isasagawa sa wikang Filipino, bilang pagtatangka na makapag-ambag sa pagpapasok ng anime/manga na Hapon at pilosopiyang Aleman/Austriano sa talastasang bayan. (shrink)
Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot ng (...) kasaysayan. (shrink)
Founded upon ethnological studies on the concepts of ginhawa (well-being), hanapbuhay (livelihood), and himagsikan (revolution), the paper aims to provide an exploration on the possibility of a Filipino conceptualization of katarungang panlipunan (social justice) that is outside the bounds of Marxist theoretization. This essay insists that although Marxist theoretization of katarungang panlipunan is highly advanced, it is only one among many other possible versions of theorizing katarungang panlipunan. Since there is no concept that is possible to exist in the consciousness (...) without the embodiment of language and culture, the contextualization or critical appropriation of any concept or conceptualization is essential. In the spirit of Filipinization, the study tries to reinforce the position that each culture has its own logic in solving its own problems. It suggests katuwirang bayan as a dynamic translation of social justice, which is often translated as katarungang panlipunan. Katuwirang bayan, which is based upon talastasang bayan (national discourse), is focused on the allocation of ginhawa to the people: hanapbuhay as contemporary pangangayaw for the maintenance of ginhawa, and himagsikan as the manifestation of the people’s bagsik (anger) whenever there is a threat to kaginhawaang bayan (people’s well-being). (shrink)
Namulat sa makipot na kasanayang disiplinal ng metodolohiyang pangkasaysayan na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo, hindi pa katagalan mula nang mag umpisang mabatid ng mga historyador ang kahalagahan ng kulturang materyal sa kanyang larangan. Higit pa sa pagpapahalaga sa kulturang materyal bilang batis ng kasaysayan, paksa ng sinusuring aklat ang pagsasakasaysayan ng kulturang materyal bilang isang bagong larangan. Tinipon ng mga historyador na patnugot na sina Anne Gerritsen at Giorgio Riello sa Writing Material Culture History ang kontribusyon (...) ng dalawampu’t anim na akademiko mula sa iba’t ibang larangan tulad ng kasaysayan, antropolohiya, arkeolohiya, museolohiya, at kasaysayan ng sining, upang makabuo ng isang batayang aklat tungo sa pagpapayabong ng makabago at interdisiplinaryong larangan ng kasaysayan ng kulturang materyal. Nahahati sa tatlong bahagi ang rebyung ito: ang una’y tatalakay sa pangkabuuang tema na nagbubuklod sa samu’t saring sanaysay na nilalaman ng aklat, ang ikalawa’y magbibigay ng payak na pagbubuod sa bawat kabanata, at ang huli’y tatalunton sa maaaring maging metodolohikal na ambag ng aklat sa larangan ng historiograpiyang Pilipino. (shrink)
Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni Salazar (...) upang ipakita kung paanong ang kanyang pagpopook ng kakanyahang Pilipino (sarili) sa mundong Pan-Malayo (malapit na kapwa) at Austronesyano (malayong kapwa) ay ang lunas sa mga suliraning ito, na dala ng pagkakagapos sa Kanluran (iba). Ang pagbabalik-loob na ito sa Pan-Malayo at Austronesyanong nakaraan ng Pilipinas ay isang instrumento para sa dekolonisasyon ng kamalayang pambansa, tungo sa pakikipag-ugnayan ng sarili bilang kapantay ng kapwa at iba. (shrink)
Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni (...) Salazar sa Unibersidad ng Pilipinas (PP) bilang magaaral ng kasaysayan (1951) hanggang sa pagkakalimbag ngkanyang Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino (1970), maaari itong bansagan bilang “Yugtong Pre-Pantayo”; 2. Panahon ng Pag-uugat ng PP sa UP mula sa pagkakalimbag ng artikulo ukol sa wikang Filipino (1970) hanggang sa pagdaraos ng Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino, kaalinsabay ng paghirang sa kanya bilang dekano ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya at pagdaraos ng (1989), 3. Panahon ng Pagsibol ng PP sa UP na tumutukoy sa institusyunalisasyon nito sa UP Departamento ng Kasaysayanmula sa kumperensyang ito (1989) hanggang sa pagkakalimbag ng Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan (1997), 4. Panahon ng Pagyabong ng PP sa labas ng UP mula sa pagkakalimbag ng aklat (1997) hanggang sa paglulunsad ng Saliksik E-Journal (2012), at 5. Panahon ng Pamumunga mula sa paglulunsad ngSaliksik E-Journal (2012) hanggang sa pagtatapos ng pagtuturo ni Salazar sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (2019). (shrink)
Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad na anyo (...) sa kasalukuyan ay ang Pantayong Pananaw. Nagtangka rin na maghain sa panunuring-aklat na ito ng kritika ng Pantayong Pananaw sa historiograpiyang Third Way, sa pamamagitan ng pagtugon sa mga punto ni Mojares. (shrink)
Sa pag-aaral ukol sa kasaysayang intelektuwal ng mga nasyunalistang diskurso sa akademya, kadalasang nagsisimula ang mga mananaliksik sa Dekada 70s, partikular sa tinaguriang mga kilusang pagsasakatutubo sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa mga publikasyon ang ugat ng mga nasyunalistang diskursong ito sa mga taon bago ang Dekada 1970s. Sa bagong akda ni Charlie Samuya Veric na Children of the Postcolony (COTP), tinangka niyang punan ang patlang na ito sa kasaysayang intelektuwal ng bansa, sa pamamagitan ng pagtuon (...) sa kaisipan nina Edith Tiempo, Fernando Zobel, Bienvenido Lumbera, E. San Juan Jr., at Jose Maria Sison. Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa COTP ni Veric, na naglalayong siyasatin ang saysay ng akda sa ‘di pa tapos na proyekto ng kapantasang Pilipino na pumiglas mula sa akademikong imperyalismo ng Kanluran. (shrink)
One of the early propositions on the nature of Southeast Asia comes from George Coedes’ 1968 The Indianized states of Southeast Asia, which assumes that Southeast Asia and its identity construction resulted from the region’s passive acceptance of culture from India and China. Such is the case that that the cultural landscape of the region becomes a mere accumulation of external influences. Robert Redfield’s notion of “great and little traditions” that Southeast Asian historians used in examining and understanding Southeast Asian (...) identity and history influenced these ideas. Zeus Salazar’s 1988 The Malayan connection, challenges this framing of Southeast Asian history. -/- This study aims to evaluate Salazar’s historiographical contributions to Southeast Asian studies, especially in terms of his efforts to problematize and establish the pan-Malayan identity of insular Southeast Asia. This will be undertaken through a critical review of his works such as Kabihasnang Asyano: Isang pangkasaysayang introduksyon [Asian civilization: A historical introduction] (1990); The Malayan connection (1998); Ang Pilipinong banua/banwa sa mundong Melano-Polynesiano [The Philippines in the Melano-Polynesian world] (2006); and, Asya: Kasaysayan at kabihasnan [Asia: History and civilization] (2010), as well as the works of some scholars in Southeast Asian Studies who have been influenced by Salazar and his works. The research will also show that the nationalist historiography that Salazar advocates emphasizes and highlights the Southeast Asian region’s Austronesian roots as the basis of the region’s cultural identity. (shrink)
Novio, Eunice Barbara & Mark Joseph Santos (trans.). 2023. Filipino black jack: Maikling tala tungkol sa mga kawatang Pilipino sa Laos at Vietnam. In Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat, ed. Axle Christien Tugano, pp. 179-181. Manila: Limbagang Pangkasaysayan.
Santos-Viola, Maria Paz Nakpil & Mark Joseph Santos (trans.). 2023. Ang aking paglalakbay noong dekada 1980: Pakikipagtagpo sa kawalan ng pagkakapantay at diskriminasyon. In Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat, ed. Axle Christien Tugano, pp. 86-88. Manila: Limbagang Pangkasaysayan.
Nang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas, dumating sa bansa ang isa pang uri ng Kristiyanismo na iba sa bitbit ng mga Espanyol-ang Protestantismo (na nagsimulang isilang noong ika-16 na dantaon sa Europa sa pamumuno nina Luther, Calvin, at Zwingli). Salaysay ni T. Valentino Sitoy (1989, iii, 7-11), 1899 unang dumating ang mga misyonerong Protestante sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga Presbyterian, Baptist, at Methodist. Kalaunan ay sinundan ito ng pagdating ng mga Episcopalian, Seventh-Day Adventist, United Brethren, Disciples, Christian and (...) Missionary Alliance, at iba pa. Ilan sa mga ito ay nagsama-sama upang mabuo ang Evangelical Union. Hinati nila ang Pilipinas sa iba't ibang probinsya ng mission fields (tulad ng ginawa dati ng mga Heswita, Rekoletos, Augustino, Pransiskano, at Dominikano), upang hindi sila magkaagawan sa populasyon na babahaginan ng ebanghelyo. (shrink)
Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing nakatayo bilang larawan ng pagiging lalaki, matapang, at malakas at upang (...) yurakan hindi lamang ang kababaihan ngunit para ipamukha ang 'kahinaan' ng mga kritiko. Kinalaunan, umusbong sa midya ang pagbabansag kay Duterte bilang 'Mang Kanor,' isang personalidad na ipinamamalas ang exhibisyonismo sa anyo ng mga pornograpikong bidyo. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang sosyo-politikal na aspektong umiinog kina Duterte at Mang Kanor at sa kung paano nila ginamit ang phallus upang magkaroon ng pamosong pagkakakilanlan sa midyang Pilipino. (shrink)