Ang museolohiya sa representasyon ng identidad: Panimulang paglalapit mula ibayong dagat tungong araling pilipino
Abstract
Mahalaga ang museolohiya sa pagturol ng identidad. Ito ang disiplinang nagdurugtong sa mga bagay na nahahawakan (tangible) at hindi nahahawakan (intangible). Maaari nating tuntunin ang isang kalinangan at Kasaysayan na mayroon ang isang lipunan sa pamamagitan ng museolohiya. Bagama’t ang sinuring aklat ay hindi direktang pumapatungkol sa Pilipinas, naniniwala namang may talab at maiuugnay ito sa kung ano ang naging karanasan ng Pilipinas at Canada bilang mga estadong nasa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Gayumpaman, isa itong akdang nasa wikang Ingles na nirebyu gamit ang wika, pananaw, at kaunawaang F/Pilipino.