Results for 'pananaliksik'

Order:
  1. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham (...)
    No categories
    Direct download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Ang Espasyo sa Pag-iral ng Tao.Noel Pariñas - 2024 - Social Ethics Society Journal of Applied Philosophy 1 (Special Issue):163-179.
    Ang papel na ito ay isang pilosopikong pagsusuri sa konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw. Ang konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw ay nagsisilbing dahilan para masabi nating tayo ay nagmamahal sa karunungang nagmula at pinagyaman ng kamalayang Pilipino. Ang konsepto ng espasyo rin ang nagpapatibay sa katwiran na naglalantad sa pangangailangan nang agarang pananaliksik ng karunungang nakaligtaan sa kanluran. Kung ang mga Hapon ay matagumpay na pinagmunihan ang 'espasyo' gamit ang mga konseptong basho, aidagara, at zettai mu tungo (...)
    Direct download (3 more)  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Estado ng Edukasyong Pansining BIswal sa mga Piling Pamantasan sa PIlipinas.Joseph Reylan Viray, Jun Badie, Crislie Unabia & Lailanie Gutierrez - manuscript
    Ang kolektibong sanaysay na ito ay nagtatasa sa kalagayan at estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas. Sakop ng papel ang mga sumusunod na paaralan: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle-Lipa, Mindanao State UniversityIligan Institute of Technology, at Notre Dame of Marbel University. Dalawang tanong ang tinangkang sagutin ng papel: Una, ano ang estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas? Pangalawa, ano-ano ang mga posibleng solusyon sa mga suliranin na nakahahadlang sa (...)
    Direct download (2 more)  
     
    Export citation  
     
    Bookmark